Wednesday, May 21, 2008


<br>

Last minute instruction

Posted: 20 May 2008 10:42 PM CDT

Bumalik ang tatlo sa loob ng bahay at pinamadali si Alex at Robi sa pagimpake! Takbong takbo ang mga boys at kinuha ang mga backpack nila. 5 minutes lang ang binigay kay Robi at Alex para magimpake at madaling-madali ang dalawa. Susunod rin naman pala kayo, Kuya talaga o tinakot ang boys!

Mikan follows the girls!

Posted: 20 May 2008 10:38 PM CDT

Pagkalabas ni Mikan sa confession room, binalita niya sa housemates na sasama siya kay Nicole at Rona! Pinapili siya ni Kuya kung sino ang gusto niyang pasamahin kina Robi at Alex. Hindi siya makapili at gusto niyang sumama kaya naman vinolunteer niya ang sarili! Nagimpake na siya ng gamit at nag-goodbye na ang tatlo kay Robi at Alex. Kawawa namang boys, ano kaya ang plano sa inyo ni Kuya?

Nikki and Rona are going to Palawan?

Posted: 20 May 2008 10:14 PM CDT

Pinagimpake ni Kuya ang dalawang girls at inggit na inggit si Robi at Alex! Sigaw na sigaw si Robi na gusto niyang sumama sa adventure ng girls. Nalaman pa niya na sasakay yung girls sa helicopter at gusto rin niyang ma-experience ito. Pupunta nga kaya sa Palawan ang girls at iiwan ang tatlong boys sa bahay?

Death becomes the chicken

Posted: 20 May 2008 01:43 AM CDT

Tinuruan ni Kuya Primo ang girls kung paano kakatayin ang manok. Alangan si Nikki dito at todo kabado siya pero buti na lang at keri ng powers niya! Matapos ay tinanggalan na nila ito ng balahibo. Very useful nga naman ang military training at matitibay na ang loob ng teens pagdating sa mga ganitong gawain. In fairness, bonggang bonggang girl scout na si Nikki!

No more water!

Posted: 19 May 2008 11:44 PM CDT

Sabi ni Kuya sa teens na ang water supply lang nila ngayong araw ay manggagaling sa isang dram ng tubig! Kamusta naman iyan? Buti na nga lang at may training ang teens na walang liguan o 10 mins liguan noong nakaraang linggo. Napa-iling na lang si Mikan dahil maglalaba sana siya. Si Robi naman nag-aalala kung paano siya mag number 1 at 2. Parang nasa jungle na rin kayo ano housemates?

No comments: