<br> |
Posted: 21 May 2008 10:20 PM CDT Kwentuhan ang mga mommies sa mga anak nila at sa teens. Una munang pinag-usapan nila ay si Kevin na mature kumpara sa ibang teens. Ganun rin naman si Robi at Rona na mataas mag-isip. Chika ni Mommy Rose na si Kevin 'di kamukha si Daddy John at mukhang sa mommy nagmana. Pagdating naman kay Rona, nagmana raw ito sa lola niya. Si Mommy My Love naman biglang humirit na si Nan, pinaglihi niya kay Donald Duck! Ayan naman mommy eh! |
Posted: 21 May 2008 09:49 PM CDT Gising na gising na ang mga guardians at game na game talaga silang pakintabin ang bahay ni Kuya! Kuskos dito, walis diyan, aba naman ang mga mommies sobrang sipag talaga. Si Mommy Minda naman nag-aasikaso ng breakfast nila. Mukhang enjoy na enjoy ang guardians sa overnight sa bahay ni Kuya. Ano kayang activities ng guardians habang wala ang teens? |
Posted: 21 May 2008 03:21 AM CDT First time pala ni Kuya Primo dito sa Manila! 'Di makapaniwala ang mga mommies kaya naman todo usisa sila sa kaniya kung kamusta ang byahe at ang pagsakay sa eroplano. Si Daddy John naman sinabing mas ok sa Palawan kaysa Manila. Kung anong kina-conservative ni Kuya Primo yun naman ang kina-liberated ni Daddy John. 'Di kaya na-shock ang Tagabanua chief sa openness ng Spanish dad? |
Posted: 21 May 2008 03:12 AM CDT Habang kumakain ng lunch/meryenda, usap ang guardians sa mga gagawin sa outside world. Si Daddy John magkakakotse dito sa Pinas. Si Mommy Minda naman balak niyang dalhin dito ang kotse niya sa Italy. Kaso mahal nga lang sabi ng Spanish dad. Kung yung dalawang guardians, kotse ang hilig, si Mommy Rose naman, lipstick. Kamusta naman iyan! Ano naman kaya ang plano nila sa teen housemates? |
Posted: 21 May 2008 01:29 AM CDT Pagkalabas ng teens, heto at pumasok naman ang mga guardians! Balik bahay si Mommy Minda, Mommy Rose, Mommy Jinky at Daddy John. Pinag-usapan nila na umalis na ang teens at pumunta nang Palawan. Guardians to the rescue talaga sa hindi masyadong malinis na household kaya naman nag general housecleaning sila. Hanggang kailan kaya ang guardians sa bahay? At ano nanaman kayang pakulong ito ni Kuya? Abangan! |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment