Tuesday, May 20, 2008


<br>

The beadwork continues

Posted: 19 May 2008 11:06 PM CDT

Matapos magsibak ng kahoy at maghanda ng pananghalian si Robi at Alex, diretso sila sa living room para gumawa ng beads. Karir ang teens at todo concentrate sa ginagawa nila. Kanino kaya mapupunta ang mga beads na ito? O 'di kaya'y bagong merchandise ito sa TeenDahan ni Kuya?

Eel Supply!

Posted: 19 May 2008 09:34 PM CDT

Kinuha ng teens ang daily supply sa storage room at nagulantang ang lahat na may kasamang eels dito! Tumalon ang eel kaya naman todo habol dito si Alex at Robi. Sobrang dulas at mukhang dumidikit pa ang kulay sa kanila. Lunch kaya ito o bagong alaga ng teens?

Hinala ni Rona

Posted: 19 May 2008 09:02 PM CDT

Dalawang araw nang wala ang ibang housemates kaya naman naghinala si Rona. Kuwento niya kay Nikki na tingin niya nasa jungle ang apat. Nung nakaraang linggo, surviving in the jungle ang theme kaya naman malakas kutob niya na somewhere in a deserted island sila Beauty, Ejay, Nan at Valerie. Slightly correct ka diyan Rona, pero saang island nandoon ang apat?

Bracelet making time

Posted: 19 May 2008 06:13 AM CDT

After ng supok game kanina at ng kanilang dinner, binigyan naman ng instructions ang teens na kunin ang mga beads na pangawa ng bracelets sa storage room. Mukhang tuturuan rin sila ni Kuya Primo kung paano gumawa ng native bracelets na ginagawa sa tribo niya na Batak. Ito na nga ba ang weekly task na inaabangan ng mga teens kanina pang umaga?

Supok time

Posted: 19 May 2008 04:24 AM CDT

Tinuruaan na nga ni Kuya Primo ang mga housemates kung paano gumamit ng supok. Kinwentuhan din niya ang mga teens tungkol sa tribo niya. Matapos ng brief explanation ni Kuya Primo, nagpractice na ang mga teens sa pagihip sa supok. Yung iba give na give kaya halos ubuhin na. Di kaya kayo kabagin niyan housemates?

Finally me makakausap na ang mga HMs!

Posted: 19 May 2008 04:09 AM CDT

May pinapasok na bisita para sa mga housemates, si Kuya Primo na magtuturo sa teens kung paano gumamit ng supok o sumpit. May game na paramihan ng pagputok sa mga lobo sa pamamagitan ng supok. Magprapractice sila ngayon sa garden area.

Tuwang tuwa ang mga housemates. "Yehey may gagawin na kami!" sabi ng mga teens.

Super last na!

Posted: 19 May 2008 03:02 AM CDT

Ang kulit kulit na ng dalawang girls kaya itong si Robi nagtago sa boys bedroom. "Super last!" promise ni Rona kay Robi na ayaw pa rin pumayag. Umalis kunwari si Rona sa may pinto pero nakaabang sa may malapit lang. Sumilip si Robi to see if nandun pa si Rona at sumakay naman si Nicole na nasa malayo na si Rona humahabol kay Alex. Pero buking din si Rona at retreat ulit si Robi sa boys' room.

Hala kelan matatapos ang habulan make-up na ito?

Beauty Oh!

Posted: 19 May 2008 02:56 AM CDT

Naging make up monsters na itong si Rona and Nicole kaya after ni Mikan ay talagang pinuntirya na nila si Robi and Alex. Si Nicole nahuli si Alex sa may kitchen at ayaw itong pakawalan. Sabi tuloy ni Alex "I don't want! I'm gonna kiss you!" at sabay lapit ng mukha ke Nicole. Ayun tuluyan nga nakawala si Alex.

Napa "Beauty oh!" tuloy si Nikki...

PS. Please do not post pictures in the comments section since this slows up the loading of the page. It also changes the layout of the page. Thank you.

Kuyaaaaaaaaaa! Super Boooooooored!

Posted: 19 May 2008 02:19 AM CDT

Super bored ang mga teens dahil feeling nila iniwan sila ni Kuya. Ni isang word wala silang marinig mula sa big man of the house kaya itong si Mikan sinubukan naman isigaw "Ate!" baka sakaling me sumagot. Nilabas na rin ni Rona ang big cards at pilit pinasasali sina Mikan, Nicole, Robi at Alex sa larong 1-2-3 pass pero natatamad na sila sa card games. Naisip na ng dalawang girls na make-upan si Mikan. At dahil pumasok na rin mula sa garden sina Alex at Robi, pati sila ay napagdisketahan na ng girls! "Sawa na ako make-upan lagi na lang ako biktima!" complain ni Robi.

Desidido ang mga girls na ayusan ang mga boys kaya umiintro na ang dalawa ng "Welcome to Nikki and Rona's parlor shop!"

Naku boys magtago na kayo kukulutan na kayo ng girls!

No comments: