Thursday, May 15, 2008


<br>

AF Officers interrogate Alex

Posted: 14 May 2008 10:43 PM CDT

Paggising ni Alex kanina, may cutex na siya! Kaya nung break ng teens inusisa pa rin ito ng isang AF officer. Nang hindi makasagot si Alex, pinagbintangan ng officer si Ejay at sinabing dapat ginandahan na lang ng Promdie Hottie ang pagkalagay nito. Napanganga si Ejay dahil hindi naman daw siya ang naglagay nun. Assignment kay Alex, alamin kung si Robi o si Ejay ang nagpintura ng kuko niya. Malakas ang kutob ni Alex na si Mikan yun, mabisto kaya ang house player?

Request ni Beauty

Posted: 14 May 2008 10:17 PM CDT

Binigyan ng break ang housemates at itong si Beauty 'di mapakali! Takam na takam na siya sa chichirya kaya lumapit ito sa officer at nahihiyang nagpaalam kung puwedeng kumain ng chips. Reguest granted si Beauty kaya nagsisisigaw ang Rebellious girl! Kung babawiin mo lang pala yung exercise sa pagkain ng chips, good luck sa diet Beauty!

Teens learn the map

Posted: 14 May 2008 09:42 PM CDT

Kung rappelling ang activity kahapon, ngayon naman map reading at land navigation. Kakaiba talaga si Ejay sa nakalipas na araw dahil todo volunteer talaga siya. Ngayon siya naman ang naunang magvolunteer para basahin ang mga nakasulat sa projector. Simple lang daw magbasa ng mapa at kailangan lang tandaan ang ibig sabihin ng mga kulay. Kung green lines, mapuno, kung blue lines, matubig. Ayun naman pala! Madali lang daw housemates go guys!

Ejay's square breakfast

Posted: 14 May 2008 09:09 PM CDT

Ang pagkain ng breakfast sa military ay parang square position na dapat may mga kanto. Pagkakuha ng pagkain, pause, kailangan hawakan at elbow length at itapat sa bibig, pause, finally isusubo na ang pagkain. Gets niyo ba? Kung hindi, apply kayo sa military para malaman ito. Si Ejay imbis na itapat ang pagkain sa bibig, itinapat ito sa noo! Naku Ejay kailan pa nagkaroon ng bibig ang noo? Kaya naman tawanan ang mga officers at pinagsabihan ang Promdie Hottie. Kamusta ka naman Ejay!

The frog rap

Posted: 14 May 2008 03:00 AM CDT

Matapos ang nakakabusog na lunch, pinagpresent ng officers ang teens. Kailangan nilang mag-rap tungkol sa palaka. Boys vs. girls naman ang kumpetisyon ngayon. At in fairness, mukhang inspired si Ejay at mabilis na nakaisip ng rhyming words! Napasok pa niya sa rap ang nakakasukang experience sa palaka. Aba kung palaka lang pala magpapasalita kay Ejay, I'm sure everyday paghahainan ka niyan ni Valerie!

Valerie, naturn-off kaya kay Ejay?

Posted: 14 May 2008 02:07 AM CDT

Naku Ejay talo ka pa ni Valerie! Kung ang Dazzling Doll, mabilis na nakahuli ng palaka, si Ejay naspecial mention ni Kuya dahil isa siya sa mga hindi pa nakahuli ng palaka. At pati na rin sa pagkain nila nito, hindi nakayanan ng Promdie Hottie. Sarap na sarap si Valerie sa luto niya habang itong si Ejay, sukang suka sa ginawang adobong palaka. Kailangan pa siyang cheer ng housemates para makain niya ito. Inaasar tuloy siya ni Valerie na "kokak". Turn off kaya si Valerie dahil mas matapang siya sa Promdie Hottie?

Beauty and Nicole are scared of frogs

Posted: 13 May 2008 11:50 PM CDT

Good luck naman kila Beauty at Nicole na sobrang takot sa palaka! Pano ba yan girls kung 'di kayo makahuli, wala kayong pananghalian. Kaya naman ang officers tinuruan ang teens kung paano lampasan itong pagkatakot. Pinahilera ang nagwawalang teens at isa-isa silang pinahawak ng palaka. Todo iyak na itong si Beauty at pati si Nicole nagtatatalon sa takot. In fairness matapang si Rona at Valerie na mabilis na nakahuli nung palaka. Go girls, hindi naman kayo kakagatin niyan, kayo pa nga kakain sa kanila!

Teach a man how to fish...

Posted: 13 May 2008 11:38 PM CDT

Sabi nga nila, teach a man how to fish and he will eat for a lifetime! At ayan na nga, unang step ay tinuruan ang teens gumawa ng fishing rod na panghuli ng kakainin nila. Kaya kahit saan pumunta ang teens sureball buhay sila. Sa gubat ang gagamiting panghuli ng teens ay kawayan, at ang gagawin nilang hook ay isang bamboo at voila! makakahuli na sila ng pagkain nila. Sa kasamaang palad, hindi nga lang fish ang huhulihin nila kundi palaka! Hmm.. keri niyo kaya yan teens?

Handa na ba kayo?

Posted: 13 May 2008 09:48 PM CDT

Matapos ang isang lecture on rappelling, sasabak na ang teens sa pagbaba sa mataas na dingding! So far ang warning lang sa kanila ay ang rope burns pero bukod pa dun, safe naman sila kung magawa nila ng tama. Buddy system ang housemates sa paggawa nito, isang aakyat, isang magbebellet.  Ang unang sasabak ay si Ejay! Good Luck guys!

Breakfast - military style

Posted: 13 May 2008 09:16 PM CDT

Umagang umaga at nasa loob na ng bahay ang friends ni Kuya na Air Force Officers. Pati ba naman sa pagkain ng breakfast, kinakailangang military style. Dapat back straight at dapat dalhin ang pagkain sa bibig imbis na yumuko habang kumakain. Naka rasyon rin ang tubig nila at isang baso lang ang iinuman nilang lahat. Ang naunang uminom si Robi at Rona na wala pang isang kutsara ang ininom. Pero nang si Beauty na, lagok to the max ang Rebellious Girl. Kamusta naman ang ininom mo Beauty!

Bonding with the new borders!

Posted: 13 May 2008 03:59 AM CDT

Bonding ang teens sa new borders na si Andi at Mikan! Dahil nga batchmates si Robi at Andi todo chikahan sila sa common ground nila. Mukhang kilala ng True Blue Atenista ang ball date ng house player kaya naman inaasar niya ito. Inamin naman ni Mikan na type niya ang Rebellious Beauty. Naku pano ka na Alex? Agree ba kayo sa Robi-Andi and Mikan-Beauty?

Sink or Swim?

Posted: 13 May 2008 01:56 AM CDT

Gumawa ang teens ng isang raft gawa sa mga bamboo. Ang tanong: lulutang kaya ito o lulubog? In fairness lumutang ang raft ng teens! Ngunit hindi pa nagtatapos doon ang pagsubok. Kailangan ng teens makatungtong dito. Isa-isa silang dumiskarte kung paano sumakay dito at ang first na nagvolunteer ay si Ejay. Yes daring na nga ang Promdie Hottie ngayon. Mabilis siyang nakasakay at mabilis niyang naipagalaw ang gawa-gawa nilang raft. Good job Ejay mukhang mag-survive ka sa Island!

Buko and Alimango lunch

Posted: 13 May 2008 01:02 AM CDT

Dinala ang teens sa activity area at tinuruan sila kung paano magbalat ng buko at manghuli ng alimango. Game naman ang teens dahil gutom na gutom na sila especially itong si Beauty. Naku Beauty nag-exercise ka nga kanina sabay banat mo naman sa pagkain ng pananghalian! Hirap ang teens sa paghuli ng alimango dahil isang stick lang ang kailangan nilang gamitin. Idagdag mo pa dito ang pagbalat ng buko. Pero after naman nilang gawin ito, voila! mas appreciate na nila ang pinaghirapang lunch nila!

No comments: