<br> |
Posted: 11 May 2008 03:58 AM CDT Hindi natiis ni Alex na todo tampo sa kaniya si Beauty. Pinuntahan niya ito sa girls' room at niyakap niya ito ng mahigpit! At napa-slow dance pa itong dalawa. Inakusahan ng Rebellious Girl si Alex na si Kuya daw ang nagkumbinsi sa kaniya na gawin iyon at itinanggi naman ito ni Alex. Nainggit ang ibang girls at sabi pa ni Shy na may namimiss tuloy siya. Sino naman kaya iyan Shy? |
Posted: 11 May 2008 02:40 AM CDT Mula pa nung isang araw nagseselos ang Rebellious Beauty sa closeness ni Shy at Alex. Hindi siya nagdalawang-isip na sabihan si Priscilla na nakakapansin rin sa kanila. Nagtapat si Beauty kay Alex at sinabing nagseselos siya ngunit wala namang ginawa ang Italian Valentino dito. Mukhang malapit nga naman talaga ang house player kay Alex at komportable siya dito kumpara sa ibang boys. Naki-join siya sa mga kalalakihan sa pagswimming at kay Alex pa siya nagpatali ng top. Iba na yan Shy ah. Sino sa tingin ninyo ang mas bagay kay Alex, si Beauty ba o si Shy? |
Posted: 11 May 2008 02:31 AM CDT Hataw kung hataw ang girls sa mga kanta na ipinapatugtog ni Kuya! Nagsimula ito sa Kabataang Pinoy at maya-maya lang sumunod ang kantang Hips Don't Lie. In fairness kay Shy and Valerie a la Shakira ang belly dance nila. Matapos ito, nagkantahan ang teens ng "I'm Yours" na favorite song ni Rona, at ang boys, aba'y hawak pa ang mga kodigo nila! Kamusta naman iyan boys! |
Posted: 11 May 2008 12:19 AM CDT Guilty si Rona na siya ang nabigyan ng pagkakataon na makausap ang mom niya at ang iba hindi! Naiyak si Robi kanina dahil natalo siya sa game at ganoon rin si Priscilla na hindi pinili ng housemates para manalo. Mukhang gustong magsacrifice ni Rona at sabihin kay Kuya na bawasan ang 100 seconds with her mom para mabigyan ng chance ang iba. Kakaiba ka talaga Rona! |
Posted: 10 May 2008 11:34 PM CDT Pinapunta ni Kuya sa confession room si Priscilla at pagkalabas nito, nag-iiiyak siya! Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ang nanay niya. Gusto pa naman niyang iparating sana sa mother niya na nagbigay siya ng effort bagaman nasa loob siya ng bahay. Magpahabol kaya si Kuya at bigyan si Priscilla ng pagkakataon makausap ang mom niya? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment