Friday, May 16, 2008


<br>

Go Priscilla!

Posted: 15 May 2008 10:17 PM CDT

Nahihirapan ang Deaf Dreamer sa snorkeling kaya inalalayan siya ng AF officer. Mabilis siyang magpanic kapag lumulubog siya sa tubig at mukhang nararamdaman niyang nalulunod siya. Go Priscilla kaya mo yan!

 In general mas nahirapan ang girls sa boys at parati silang kumukuha ng hangin. Naku pano ba yan girls sino kaya sa inyo ang magsurvive sa Island Adventure?

Robi does the Muro-Ami swim

Posted: 15 May 2008 09:43 PM CDT

Ang teens abalang-abala sa paglagay ng sunblock nila pero itong si Robi, handa na magsnorkeling! Siya na nga ang naging example sa ibang teens kaya naman todo coach ang officers sa kaniya. Suot-suot ang flippers at ang equipment sa pagsnorkeling, sumabak na ang True Blue Atenista! Mission accomplished siya at in fairness ang swabe nang langoy ni Robi, very natural talaga!

Learning snorkeling

Posted: 15 May 2008 09:16 PM CDT

Tinuruan ang teens kung paano magsnorkeling at skin dive. At ang pinakaimportanteng elemento dito ay ang flutter kick. Ang unang sumabak ay sina Ejay, Nan at Robi. Puna nila kay Nan ay huwag masyadong bend ang tuhod. Kay Ejay naman huwag niyang puwersahin dahil sasakit binti niya. Pero bilib talaga ang officers kay Robi, siya daw ang modelo at siya ang gayahin. Kaya guys, tularan si Robi!

Time to Eat!

Posted: 15 May 2008 02:42 AM CDT

Kainan na ang teens! Matapos ibitag at manok at lutuin ito, ready to eat na ang tinolang manok. Pero siyempre bago yun, presentation muna. Nauna ang group nila Mikan at kareer ang house player sa pagbuild up ng tinolang manok. Ang group naman ni Priscilla, imbis na manok ang ibenta, binenta ang bamboo na ginamit sa paggawa nito. Hmm.. Sinong team kaya ang nakagawa ng tinolang manok na panalo sa panlasa ng officers?

To catch a chicken

Posted: 15 May 2008 12:13 AM CDT

Buti na lang at hindi tinupad ng officers ang pagpapahuli sa kanila ng ahas. Manok naman ang kailangan nilang hulihin ngayon at kailangan ibitag nila ito. Sinusubukan itong hulihin ng teens at tinatawag itong "kroo kroo". Si Valerie naman ang pagtawag sa manok ay "Kikiriki!" Naku naman Valerie, paano ka maiintindihan ng manok niyan kung pang German chicken ang lingwahe mo? Pinoy na manok kaya yan.

Carrying the victim

Posted: 15 May 2008 12:07 AM CDT

Tinuruan ng AF officers kung paano nga ba buhatin ang mga victim, andiyan yung kasal style at andiyan yung bubuhatin over the shoulder. By pair ito ginawa ng teens at medyo kabado ang iba na makapareha si Mikan. In fairness good natured si Mikan. In fact fast learner pa siya at mabilis na nabuhat si Ejay! Madali diba?

No comments: