Sunday, May 11, 2008


<br>

Nikki, affected ka?

Posted: 10 May 2008 11:26 PM CDT

Kulitan ang housemates pagkatapos ng game at niloloko nila si Beauty na piggy. Ginagaya nila ang tunog ng biik at in fairness kay Nan, gayang-gaya niya ito! Todo tawanan ang teens sa accurate imitation ni Nan at pati ang inaasar na si Beauty ay di rin napigilan mapa-smile. Ang hindi nga lang mapatawa ni Nan ay si Nikki. Tulala at tunganga ang In-Chick from Cebu at walang kaimik-imik. Heartbroken ka ba or heartbroken ka?

Mother's day game

Posted: 10 May 2008 11:13 PM CDT

Naglaro ang teens ng game ngayon in honor of mother's day. Kailangan nilang buoin ang isang puzzle na mukha pala ng mga moms nila. Taranta ang mga teens at takbuhan sila sa paghahanap ng puzzle pieces. Nung huli nauna si Rona sa pagbuo ng kaniya ngunit nagkapalit sila ni Priscilla ng isang puzzle piece. Runner up naman si Robi at kailangan magdesisyon ng housemates kung sino sa kanila ang wagi. At ang napili nila ay si.. Rona! Bongga ka Rona saved from eviction at ngayon may special prize ka pa from Kuya!

Valerie's gift for Rona

Posted: 10 May 2008 04:26 AM CDT

Binigyan ni Valerie ng necklace si Rona! Good luck charm niya ito at gusto niyang i-share ang luck kay Rona. Lubos na nagpasalamat si Rona at sinabi niya kay Valerie na kung siya man ang ma-evict mamaya, alalahanin ni Valerie to be strong and be herself. Malalim ang pang-unawa ni Valerie at tinitingnan niya ang lahat ng anggulo bago siya manghusga at saludo si Rona dito. Bilib rin naman si Val sa kaniya dahil sa murang edad na 16, malawak ang kaalaman ng Teen Debater. Effective kaya ang good luck charm ni Valerie at manatili si Rona sa bahay ni Kuya?

Idaan na lang sa sipol

Posted: 10 May 2008 04:15 AM CDT

Dahil hindi makausap ni Ejay si Val, nag-isip ang Dazzling Doll ng ibang paraan para makipagcommunicate kay Ejay. At ang ginawa niya? Sumipol siya! Too bad at wala pa ring response ang Promdie Hottie. Bagaman panay kulit ni Val dito na magsalita at kahit gaanong sabukot ng mukha niya para ipakita ang pagtatampo, no reaction pa rin si Ejay dito. Kamusta naman ang pagkatorpe mo Ejay?

The girls pack their things

Posted: 10 May 2008 03:04 AM CDT

Nagimpake na si Priscilla, Beauty at Valerie! Mukhang gusto ng Deaf Dreamer na mag-voluntary exit at gusto naman siyang sundan ni Beauty. Duda si Ejay sa drama ng girls dahil ilang beses na niya nakita ito. Sabi naman ni Shy na baka nga tuluyan silang palabasin ni Kuya kung gusto pala nilang umalis na. Itutuloy kaya ng tatlo ang binabalak nila?

Shy's dilemma

Posted: 10 May 2008 01:12 AM CDT

Nagdadalawang isip ang house player na si Shy kung aalis na ba siya o mananatili pa siya sa bahay ni Kuya. Payo ni Rona sa kaniya, "follow your heart". Bukod pa dito, sinabi niya kay Shy na huwag niyang i-confuse ang sarili niya. Dahil hindi makadesisyon si Shy, si Rona na ang gumawa nito para sa kaniya at sinabi niyang mananatili at magtatagal pa si Shy. Gusto niyo bang manatili pa si Shy sa bahay ni Kuya?

A song for Rona

Posted: 10 May 2008 01:01 AM CDT

Matapos ang auditions at pasado na si Ejay, sinama na nila Nan, Robi at Alex ang Promdie Hottie sa pagensayo ng kantang "I'm Yours" para kay Rona. Plano pa nila na habang kinakanta nila ito, bibigyan nila ng 3 flowers ang teen debater. Ibig sabihin kaya nito si Rona ang aalis mamaya kaya siya bibigyan ng memorable song number?

Audition sa bahay ni Kuya!

Posted: 10 May 2008 12:11 AM CDT

Kung ang girls kuntodo ang chikahan at pag-emote sa kabila, ang boys naman todo tawanan! Nagrole playing ang mga boys at ang setting ay isang audition. Si Robi, Alex at Nan ang judge at si Josef at Ejay ang mga nag-aauditon. Nauna si Ejay at medyo nahihiya pa siya. Pero nung si Josef na, aba'y ang LaSallite, bibong-bibo talaga! Nang sinabi nilang sumayaw, sumayaw naman siya. Nung pina-acting naman, aba'y may variety pa! Nagdrama si Josef at nagcomedy pa. Josef, sure ka bang PBB ang inauditionan mo at hindi Star Circle Quest?

No comments: