<br> |
All my bags are packed, i'm ready to go... Posted: 09 May 2008 11:40 PM CDT Todo empake na si Rona at Nikki para sa eviction night mamaya! Nasesenti na si Rona kaya naman nagbigay na ito ng speech kay Priscilla na naging best friend niya sa loob ng bahay. Bukod pa sa speech na ito, kinantahan pa niya ito ng "That's What Friends Are For". Kung alam lang ni Rona na binigyan siya ng 1 point ng bestie niya. Kayo sino sa tingin ninyo ang aalis mamaya? |
Posted: 09 May 2008 11:33 PM CDT Napansin ni Nikki na maraming nangyari ngayong linggong ito. Andiyan si Luis Manzano na naging human crab, si Jayson na nakisalamuha sa kanila, at si Joaqui Mendoza na naging bagong kaibigan nila. Agree naman ang girls dito at tuwa naman sila sa mga surprises ni Kuya. Kayo, ano ang pinakanagustuhan ninyo sa gimik ni Kuya this week? |
Posted: 09 May 2008 11:27 PM CDT Nagkuwento si Beauty kay Shy mabigat ang loob niya. Feeling ng Rebellious Beauty na hindi siya pinapansin ni Kuya. Sabi naman ni Shy, hindi sa lahat ng panahon kailangan siyang pansinin. Ngunit, isinantabi ito ni Beauty at nagmukmok pa rin siya. Payo na lang ni Shy na kausapin niya si Kuya para gumaan ang pakiramdam niya. Ito talagang si Beauty nagtatampo nanaman kay Kuya! |
Posted: 09 May 2008 11:12 PM CDT Itong mga girls, mukhang excited pa sa eviction night! Tanungan si Priscilla at Valerie kung ano ang mga susuotin nila mamaya. Mag-exchange sila ng damit at pati si Rona sinasama nila sa gimik na ito. Akala ko kinakatakutan at kinalulungkot ang eviction night? Looks like excited pa ang girls dito! |
Posted: 09 May 2008 04:04 AM CDT Atat na ang boys na magswimming ngunit mukhang madumi pa ang pool. Patuloy pa rin si Ejay sa paglilinis nito gamit lang ang tabo. Tinulungan ni Nan at Josef si Ejay at in fairness napapabilis ang punishment at marami silang napupunuan na dram. Pero sa itsura ng pool, parang walang nababawas na tubig dito. Makaabot pa kaya sila bago matapos ang PBB season? |
Posted: 09 May 2008 02:52 AM CDT Napapansin ni Kuya na bored na ang mga teens kaya nagpadala siya ng free entertainment! Pero may kondisyon: dapat ipakita ng teens na nag-eenjoy sila. Maya-maya lang ay may pumasok na mga payaso na guardians pala nila! Isang linggong nag-ensayo ang guardians sa pag-juggle ng balls at ngayon ay magkakaalaman na kung sino nga ba ang pinakamahusay sa kanila. Nauna si Daddy Erning, by request ng teens, at palakpakan ang teens dito. Sino kayang guardian ang wagi sa task na ito? |
Posted: 09 May 2008 02:45 AM CDT Kung ang girls bonding sa chikahan, eto namang boys, bonding sa kantahan! Puro Parokya ni Edgar songs ang kinakanta ng boys at lahat join talaga. Pati si Josef na dati rati nama'y hindi sumasama, nakikikanta na rin. Si Ejay finally, nakahanap ng banda at hindi na siya solo flight sa concert niya. Kakaiba na talaga ang bonding ng teens ngunit magiging ganito pa rin kaya sila ka-close kapag nasubukan na ang pagkakaibigan nila? |
Posted: 09 May 2008 01:35 AM CDT Kung dati si Rona ang kinumpronta ng girls, ngayon naman si Beauty na! Gusto man daw makilala ng girls si Shy, hindi nila makasundo ito. Sabi pa ni Nikki na may similarities si Beauty at Shy kaya naman nag-click ang dalawa. Todo depensa naman itong si Beauty sa new friend at sinabing gusto lang ni Shy ng companion. Ang problema nga lang, hindi lahat nakakaintindi sa kaniya. Ang punchline ni Rona: ngayon alam na ni Beauty kung anong nararamdaman niya nung ginawa sa kaniya yun ng girls. Maaayos pa kaya nila ang misunderstanding na ito? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment