<br> |
One more chance ba ang Nicosef? Posted: 08 May 2008 11:12 PM CDT Mukhang together again nga ang Nicosef! Magkatabi sila pagkatapos ng game at sila ang nanguna sa pang-aalaska kay Rona. Touchy na ulit ang dalawa at kinukulit nanaman ni Nicole si Josef. Akala ko ba Josef huwag pansinin si Nikki ang gimik mo? Hindi kaya bigyan ka ng punishment ni Kuya dahil sumuway ka? |
Rona at Alex, panalo sa alaska ng housemates! Posted: 08 May 2008 11:07 PM CDT May pagkakataon sa larong ito na kailangang saluhin ni Rona ang footlong na nakalawit sa bibig ng partner na si Alex. Kapag nahulog ang hotdog, malamang lamang mawawala ang chance nila na manalo. Sinubukang saluhin ni Rona kaya naman halos nagkadikit sila. Pagkatapos tuloy ng laro, inasar ng mga housemates na first kiss daw yun ni Rona! Nahiya tuloy ang Teen Debater at walang nasabi. Kayo talaga housemates baka magselos si Robi niyan! |
Posted: 08 May 2008 10:54 PM CDT Naglaro ang teens stretch and eat the footlong game! Pabilisan ang magpares sa pagkain ng footlong na nakalagay gitna. Bawal gamitin ang mga kamay nila at dapat bibig lang ang gagamitin ng partners. Unang sumabak sa daily task na ito ay si Nan at Priscilla. Sumunod naman si Beauty at Robi. Ang iba pang magpares ay si Nikki at Ejay, Josef at Valerie at Alex at Rona. Sino kaya ang wagi sa teams na ito? |
Posted: 08 May 2008 09:47 PM CDT Bagaman nagsimula ng masama ang dalawa, mukhang very close na si Beauty at Shy ngayon. Napagchikahan ng dalawa ang Crabadabadoo task kahapon at sabi ni Beauty natakot talaga siya doon at medyo masakit daw ang pagka-sipit ni Luis Manzano sa kaniya. Kay Shy naman, type niya ang ngipin at abs ng hunk na host. Open na sila sa isa't-isa at kung chumika, parang matagal na magkakilala! Ibig sabihin kaya nito tagumpay si Shy sa task na gawing best friend si Beauty? |
Posted: 08 May 2008 09:01 PM CDT Hindi naman masyadong ganado si Val at Rona sa pag-exercise nila! Todo sayaw sila ala G-Force sa kantang Low. Sa paghataw tuloy ng dalawa, hindi rin napigilan ni Robi at Nan na mapasayaw. Itong si Valerie kareer talaga na mabawasan ang timbang kaya kahit na paulit-ulit na pinapatugtog ni Kuya ang Low, mataas pa rin ang kaniyang energy level! Naku Val sana makita ka ni Beauty para ganahan rin siya! |
Posted: 08 May 2008 03:47 AM CDT Matapos ang mga tasks, balik agad ang girls sa room para magfreshen up! Dahil naputol ang make-up session kanina, hindi tuloy nalagayan ni Shy ng make-up si Rona. Kaya ngayon, todo bonding ang dalawa over make-up. At ito pa, ang make-up ni Rona, bongga! Pero wala nang tatalo sa pagka-bongga ng teen house player dahil kahit naka mask siya, kaya pa rin niyang maglagay ng mascara! |
Posted: 08 May 2008 01:21 AM CDT Sunday pa nga ang mother's day pero sa bahay ni Kuya, nagaganap na ang selebrasyon! Pinapunta si Nan, Nikki at Alex sa confession room para kumuha ng mga roses. Pumunta sila sa guardians area at binigay ito sa mga mommies nila. Sobrang touched ang mga mommies at sinabi pa ni Mommy Minda na saludo siya sa kanila. Nang nabasa rin nila ang 3 stanza poem, nabilib talaga ang guardians! Mukhang nainggit ata si Daddy Erning at napatanong kung kelan daw ang Father's Day! Naku Daddy pasensya na, 'di na aabot ang father's day sa season na ito, or then again, maybe it will! |
Posted: 08 May 2008 12:24 AM CDT Nakabasag si Nan ng baso! Hindi daw niya nakita ito kaya natabig ito. Tinulungan siya ng best bud na si Ejay para ligpitin ang baso. Hindi makapaniwala ang Junior Kengkoy na nakabasag siya, akala niya siguro si Ejay lang ang expert dito. But No. humahabol na siya! Ano kaya ang magiging parusa ni Nan dito? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment