Thursday, May 8, 2008


<br>

Special treat for the moms

Posted: 08 May 2008 12:33 AM CDT

Para na rin sa Mother's Day, kailangan ng teens gumawa ng 3 stanza poem! At ang nagbigay pa ng instructions na ito ay ang mga guardians via text message. Dapat in 30 mins makagawa sila ng tula kung bakit nila mahal ang mga moms nila. Nataranta ang lahat sa time pressure kaya dali-dali silang nag-isip ng mga linya. Strategy ni Priscilla na tanungin ang lahat kung bakit nila mahal ang moms nila, para lahat may input sa poem na ito. Ano kaya ang magiging kalalabasan ng task na ito? Kayo ano ang mga special treat ninyo para sa moms ninyo on Mother's Day?

Ejay earns another punishment

Posted: 08 May 2008 12:24 AM CDT

Nakabasag nanaman si Ejay ng baso! Tinulungan siya ni Nan para ligpitin ito. Hanggang ngayon, mukhang nerbyoso pa rin ang Promdie Hottie! Nagiging normal na lang sa kaniya ang pagbasag ng kagamitan ng bahay at pagkakaroon ng punishment para bawiin ito. Ano nanaman kayang magiging parusa ni Ejay ngayon?

Practicing the weekly task

Posted: 07 May 2008 10:30 PM CDT

Tinawag ni Kuya ang teens para mag-ensayo sa weekly task! Bagong make-up pa naman ang girls kaya alangan sila na magpawis. Nang tinawag ni Robi ang girls, mukhang ayaw pa tumayo ni Priscilla dahil sa kaniya ang may pinaka fresh na make-up. Pero sad to say, no choice talaga sila. Ang unang sumabak sa practice ay si Val, Nan, Priscilla at Shy. Good luck guys!

Nikki interrogates the guys

Posted: 07 May 2008 09:34 PM CDT

Patuloy pa ring hinahanap ni Nicole ang 16 na damit niya! Nang walang umamin sa girls, sa boys naman siya pumunta at tinanong ang mga ito kung nakita ba nila ang damit niya. Sabi ni Josef na sabihin niya ito kay Kuya para matulungan siya. Ngunit, nanggaling na doon si Nikki at ang sabi ni Kuya ay dapat responsable ito sa mga gamit niya. Walang magawa si Nicole at nagdududa siya na may kinalaman dito si Kuya. Mabuko niya kaya si Shy sa task na ito?

Make-up tips from Shy

Posted: 07 May 2008 09:09 PM CDT

Very close na nga ang mga girls at naglalagayan na sila ng mga make-up! Nagsimula ito nang napansin ni Rona na maganda ang make-up ng house player na si Shy. Maganda ang lipstick na ginamit at full na full daw ang lips. Mukhang nainggit si Beauty at nagpalagay na nga ng make-up kay Shy at pati si Priscilla sumunod na rin! Dumadami na ang customers ni Shy, naku dapat singilin mo na sila niyan!

Lost and not yet found

Posted: 07 May 2008 09:01 PM CDT

Nawawala na ang mga gamit ni Nicole! Pagkalabas ng girls sa shower room para magbihis, napansin ng In-Chick from Cebu na nawawala na ang mga damit niya. Nagtanong siya sa ibang girls kung nakita daw ba nila at sagot naman nila na hindi. Si Shy deadma to the max at inalok pa si Nikki kung gusto niyang hiramin ang damit niya. Artista ka Shy ah!

Super Housemates vs. Power Teens

Posted: 07 May 2008 03:15 AM CDT

Naglalaban na ang Super Housemates (Nikki, Priscilla, Alex, Valerie, Beauty) at ang Power Teens (Robi, Ejay, Shy, Josef, Rona). For the first time makalipas ang ilang buwan, teammates na ulit ang mag BBF!

Sa larong ito, kailangan ng teams agawin ang power ball at dalhin ito sa base nila. Kung sino ang makalagay nito sa base, magkakaroon ng 10 super points. Unang nakakuha ng 10 power points ay ang Power Teens. Tuloy-tuloy na kaya ang panalo nila?

Ejay, najejelly nga ba?

Posted: 07 May 2008 01:32 AM CDT

Tinanong ni Ejay kay Valerie kung ano ang naramdaman niya nung binigyan siya ni Joaqui ng flowers. Binalik naman ni Valerie ang tanong at sinabing: what do you think? Sagot naman ng Promdie Hottie na tingin niya na-surprise ang Dazzling Doll. Napatawa na lang si Valerie na parang kinikilig at natahimik naman itong si Ejay. 'Di kaya nagseselos si Ejay kay Joaqui Mendoza?

Josef's hidden talent

Posted: 07 May 2008 01:27 AM CDT

Hindi lang pala pagluluto ang talent ng LaSallite kundi mag-ayos ng buhok ng babae! Kung yung ibang boys nag-aayos ng mga superhero costumes nila, etong si Josef, pinaplantsa ang buhok ni Rona. At in fairness sa pagplansta niya, pinong-pino ito kaya ang haba na ng hair ng Teen Debater! Araw-araw daw kasi nung mahaba pa ang buhok ni Josef, pinaplantsa niya ito. Hmm.. Sige nga Josef, ilabas mo pa ang ibang super talents

No comments: