<br> |
Posted: 01 May 2008 03:44 AM CDT Ang nakaalala kay Daddy John ngayong araw na ito ay walang iba kundi si Tita Anna! Sa mga nakaraang araw, very light na ang mood ni Tita Anna at sa katunayan ngayon, napakanta pa siya. Todo kanta si Tita Anna ng "Let the Love Begin" habang palakad-lakad sa hardin ng guardians' area. Natigil siya sandali at sinabing kung nandoon si Daddy John siguradong lalakasan ng Spanish dad ang boses niya at ikukumpetensya siya. Hmm.. 'di kaya namimiss lang ni Tita Anna si Daddy John? Ano sa tingin ninyo? |
Posted: 01 May 2008 01:51 AM CDT Daily task ng teens ang mag-choreograph ng Coke cheer na suot-suot ang mga red Coke bandannas. One team na ang teens this time at sabay-sabay silang nagensayo para sa cheerdance na ito. Dahil magaan si Rona, siya ang binubuhat ng mga boys. Si Nikki at Beauty naman busyng-busy sa pagcartwheel. In fairness, nagstep-up na ang In Chick from Cebu at siya ang nagturo sa Team Rona ng choreo ng team nila. Para makita ang buong sayaw, manood mamaya ng Uber! |
Posted: 01 May 2008 12:56 AM CDT Nilabas ng bahay si Alex kagabi dahil sa matinding LBM. Ngayong umaga naman si Rona at Jolas ang sinaktan ng tiyan. Maya-maya lang kinabag rin si Nan at pumunta siya sa guardians area para magpaalaga kay Mommy My Love. Ayon kay Nan, nilagyan siya ng mainit na tubig sa tiyan para bumilis ang digestion nito. Hindi kaya dahil puro toyo rice ang kinakain niyo o di kaya sanhi ito ng empacho? |
Posted: 01 May 2008 12:32 AM CDT Habang nagluluto ng nilagang baka si Rona at Beauty, kinuwento ng Rebellious chick ang mga plano paglabas ng bahay ni Kuya. Sa first week ng June, babalik na siya ng Dumaguete, pupuntahan ang friends at makikipag-inuman sa kanila. Bukod pa rito ay bibisitahin rin niya ang farm nila. Sosyal talaga ang haciendera na teen! |
Posted: 30 Apr 2008 10:29 PM CDT Hindi makakasama si Robi at Alex sa cheer dance, at sila pa naman sana ang drummers ng team. Tututuran dapat ni Robi si Alex kung paano magdrums tulad sa movie na "Drumline". Kuwento pa ni Robi kay Jolas (na hindi rin makakasama sa pagsasayaw ng Team Priscilla) na gumawa sila ni Alex ng exhibition sa drumsticks at naghanda ng moonwalk steps. Maganda ang steps ngunit kulang sa tao. Manalo pa rin kaya ang team nila kahit wala si Robi at Alex? Alamin ang buong kuwento sa Official PBB Website. |
Team Rona/Robi practice their Coke cheer Posted: 30 Apr 2008 09:55 PM CDT Naghahanda na ang Team Rona/Robi para sa Coke cheer mamaya! Ngunit hindi pa sila 100% confident dahil sa dalawang problema: Kulang sila ng members dahil wala si Alex, at hindi makasabay si Ejay sa pagsasayaw ng girls. Paano kaya nila aayusin ang mga problemang ito? Manalo kaya ang team nila laban sa team ni Priscilla? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment