Friday, May 2, 2008


<br>

Coke cheer take 3!

Posted: 02 May 2008 01:50 AM CDT

Nagtipon ang teens sa activity area para magensayo ng Coke cheer nila. Konting oras lang ang ibibigay ni Kuya at ipinaalala niya sa teens na malaki ang nakasalalay sa cheer na ito. Mapapansin na bad mood si Jolas dahil gusto niyang sumayaw ngunit hindi siya makakasama.

Si Priscilla at Nicole, very confident sa cheer nila! Sharp ang moves at kitang-kita na kabisado nila ang dance steps. Si Rona naman marami pa ring nakakalimutan na steps kaya napapakamot ulo na lang. Si Val naman mukhang pumapangalawa na kay Ejay sa pagiging best dancer. Makabisado kaya ito ng teens bago ang final presentation mamaya?

Boys, nagbonding sa kusina!

Posted: 02 May 2008 12:53 AM CDT

Kung bonding ang girls sa kuwarto, bonding naman ang boys sa kusina! Kuwentuhan sila Robi, Alex at Nan habang nagluluto ng pananghalian nila. Chika ni Robi sa dalawa na mother niya at younger brother niya ang nagturo sa kaniya magluto. Sa katunayan ay mas magaling pa ang brother niya kaysa kaniya. Nang pag-usapan naman nila ang mga pronounciation ng mga words, nagkalokohan na sila. Paano daw sabihin ang word na "sachet"? Ang akala ni Ejay sa-chet ito at si Alex naman daw sa-ket! Talaga naman pag gutom kung ano-ano na rin ang napag-uusapan.

Bigas task continues

Posted: 01 May 2008 11:21 PM CDT

Kaninang umaga ang magBBF na si Josef at Robi ang gumagawa ng bigas task. Ngayon naman ang magpares ay si Nan at Jolas. Concentrate to the max ang dalawa na ilagay ang isang sakong bigas sa brown paper bags. Hindi nila napapansin na ang dami nang bigas na nakakalat sa sahig. Nako boys kapag naabutan kayo ni Kuya na nag-aaksaya ng bigas, another punishment nanaman ang matatanggap ninyo!

Priscilla's woes

Posted: 01 May 2008 10:44 PM CDT

Bonding ang girls sa kuwarto nang magkuwento si Priscilla tungkol sa disability niya. Gusto niya ipakita sa mundo na kahit may kapansanan siya ay kaya pa rin niya. Dagdag ng Differently-Abled Teen na ayaw ng mom niya na pasalihin siya sa mga contests at lalo na dito sa PBB dahil sa kapansanan. Noong nasa Davao rin siya binubully siya kapag mag-isa siya. Ngunit kahit pa man naranasan niya ang mga ito, determinado siya na maging singer, magworking student at ang work: call center agent pa! In fairness ang ganda ng outlook niya sa buhay at di siya nagpapaapekto sa mga nangyari sa kaniya.

Ejay cleans the pool

Posted: 01 May 2008 09:59 PM CDT

Hindi naman masyadong masipag si Ejay! Habang ang ibang housemates ay nasa loob ng bahay at nagkukuwentuhan, naglilinis naman siya ng pool. Todo salok siya ng tubig at nilalagay niya ito sa butas sa isang sulok. Pabalik-balik niyang ginagawa ito sa buong umaga. Naku Ejay ibang klase rin ang style mo sa paglinis ng pool!

Robi and Nicole's special task

Posted: 01 May 2008 09:00 PM CDT

Kailangan ni Robi at Nicole mag-isip ng dance steps with a twist - habang sumasayaw sila kailangan nalilinis rin nila ang bahay. Napakagandang ideya ito dahil pinagsama ang chore at isang bagay na gusto nilang gawin. First team up ito ni Robi at Nicole, ok kaya ang teamwork ng dalawa? 'Di kaya magselos ang BBF ni Robi na si Josef sa partnership nila?

No comments: