<br> |
Nicole and Josef, together still? Posted: 30 Apr 2008 12:27 AM CDT Bagaman nakausap na ni Mommy Sandy si Nicole, tuloy pa rin ang closeness nila ng best boy bud. Affectionate pa rin ang dalawa sa isa't-isa at sa katunayan ay nagpamasahe pa si Nikki sa LaSallite. Ano kaya ang susunod na sasabihin ni Mommy Sandy kapag nakita ito? |
Posted: 30 Apr 2008 12:12 AM CDT Sayaw na sayaw si Val at Ejay sa kantang Boomtarat-tarat! Spontaneous dance ito pero in fairness sa kanila, sabay sila. Mabilis na nakuha ng Promdie Hottie ang steps at napantayan agad ang Dazzling Doll. Habang abala ang ibang teens sa bigas task, enjoy naman ang dalawa sa labas. Isa rin kaya itong punishment ni Kuya? |
Posted: 29 Apr 2008 09:49 PM CDT Nahulog ng teens ang bigas! Bawal pa naman dahil hindi puwedeng aksayahin ito. Kailangan nilang pulutin ang kalat-kalat na bigas gamit pa rin ang chopsticks. Mukhang nakalimutan ito ni Rona at kumuha siya ng tissue para pulutin ito. Pinaalala sa kaniya ni Kuya na gamitin ang kaniyang chopsticks at ikalat ulit ang bigas sa sahig. Good luck housemates! Teamwork talaga ito! |
Posted: 29 Apr 2008 09:32 PM CDT Kapansin-pansin na habang naglilipat ang teens ng bigas sa mga supot, tilaok ng tilaok si Rona. Bawat salita niya ay tinutuldukan ng isang malakas na "Tiktilaok". Kahit na tinatawag lang niya si Ejay, sinasabi pa rin niya ito. Hindi kaya dapat siya ang magsuot ng costume ni Ejay? |
Another punishment for the teens Posted: 29 Apr 2008 09:18 PM CDT Bukod pa sa bigas task ng teens, pinagbawalan silang uminom ng C2, Coke at kumain ng favorite Nissin noodles. Si Robi ang inatasan na magsabi sa teens at magtanggal ng pagkain sa ref para ilagay sa storage room. Kung nung isang linggo, gulay diet sila, ngayon, water therapy na! Mukhang si Beauty lang ang matutuwa sa punishment na ito. |
Posted: 29 Apr 2008 09:13 PM CDT Punishment ni Kuya sa teens na ilagay ang isang sakong bigas sa loob ng 50 brown paper bags na gamit lang ang chopsticks. Bawal rin nila gamitin ang dining table ngayon at paglalagyan lang nila ito ng mga paper bags. Unang batch na naglipat ng bigas ay si Rona, Nicole at Jolas. Ano kaya ang nagawa ng teens at binigyan sila ng ganitong kahirap na punishment? At magawa kaya ito ng teens bago sumikat ang araw bukas? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment