<br> |
Posted: 29 Apr 2008 02:22 AM CDT May bagong laruan ang housemates at guardians! Binigyan sila ni Kuya ng mga remote control cars at enjoy ang lahat dito. Pati si Mommy Minda patawa-tawa na sinasabing hindi niya alam kung paano iyon pero tuloy pa rin naman ang laro. Nag-racing naman si Jolas at Nan sa RC cars at enjoy si Jolas dito. At least mukhang hindi na siya gaano apektado at malungkot sa results ng nominations. |
The two chickens get a special harana Posted: 29 Apr 2008 12:07 AM CDT Nagsolo si Val at Ejay sa girls' room at mukhang may hang over pa si Ejay sa date kagabi. Habang nagkakaseryosong usapan na ang dalawa, biglang pumasok si Robi, Nan at Alex! Kinantahan ng tatlong boys ng "Harana" ang dalawang teens kaya natawa tuloy sila. In fairness to Alex, alam niya ang lyrics ng Tagalog song. Tuwang tuwa si Valerie sa surprise ng boys at pagkatapos nila nagcompliment siya ng "Mahusay!". After 5 minutes daw babalik ulit ang boys para kantahan sila ng bagong song. Ano nanaman kaya ang pakulong ito ng boys? |
Posted: 28 Apr 2008 11:56 PM CDT Tinanong ni Beauty si Josef kung ano ang mga plano niya kay Nicole sa susunod na araw. Sagot ni Josef na wala pa daw. Kinausap ng masinsinan ni Beauty ang Lethal LaSallite at kinuwento ang side ni Nicole. Ayon kay Nicole, gusto na lang niya maging best friend si Josef at wala na daw affection na kasama. Para kay Josef naman gusto na lang niya muna iwasan si Nikki. Todo insist naman si Beauty na kausapin ni Josef si Nicole na parang kausap niya si Rona at Valerie. Kailangan magkausap ang dalawa dahil hindi mapakali si Nikki kung hindi. Sa katunayan ay naiiyak siya kapag hindi siya pinapansin ni Josef. Malabo na ang "friendship" ng dalawa ngunit halata pa rin ang malalim na pagtitinginan sa isa't-isa. Saan kaya hahantong ang relasyong ito? |
Posted: 28 Apr 2008 11:00 PM CDT Very serious na nag-usap si Val at Ejay tungkol sa isang problema. Late na sila natulog kagabi kaya inaantok si Ejay at puyat siya. Ngunit hindi ito ang problema niya. Mas matimbang ang concern niya na nagkaka-eyebags siya! Payo ni Val sabihin daw ito kay Kuya para mabigyan ng gamot si Ejay. Nakikita ito sa buong mundo kaya kailangan na matanggal ito. Inisip ni Ejay ang posibilidad na magmake-up dahil mukhang nakakaalis ito ng eyebags. Hindi kaya nabawasan ang pogi points ni Ejay sa mga napiling ikuwento sa Dazzling Doll? Well, at least nagkuwento na siya. |
Val and Pris' favorite pastime Posted: 28 Apr 2008 10:50 PM CDT Nagbonding nanaman ang best buds na si Val at Pris sa mga pictures ng kapwa housemates! Hiniram muna nila ang picture ni Josef na kasama ang girlfriend niya at todo comment sila dito. Mukha daw chinese ang girlfriend pero spanish daw ito. Comment pa nila na pretty ito at cute ito (compared to who?). Type rin ni Val ang style ng gf at mukhang fashionista ito. Very sweet ang dalawa sa picture kaya kinilig ang dalawang girls. Sunod naman nilang hiniram ang class picture ni Robi. Ayon kay Priscilla, halos lahat "pangit" at si Robi ang "most pogi". Hmm.. after Ejay, Jolas, Kevin, ngayon si Robi na ba ang bagong type ni Pris? |
Mga nabiktima ni Ejay at Valerie Posted: 28 Apr 2008 09:56 PM CDT Tulog na tulog si Alex sa sofa kaya binugahan siya ng mag-partner na manok ng isang malakas na "KI-KI-RI-KI"! Nagulat tuloy ito bigla at napaupo sa sofa akala tuloy na may giyera. Sunod naman si Josef na kakatulog pa lang sa sofa. Dali-dali siyang nilapitan ng dalawang manok at sinigawan sa tenga. Biro ng LaSallite na naramdaman niya pumasok ang noodles sa tenga dahil kakakain pa lang ni Ejay ng noodles. Very alert talaga ang mga manok sa bahay ni Kuya at malakas ang radar nila sa aantok-antok at hihila-hilata. Tingnan lang natin kung may makakatulog pa sa nakakabinging sigaw nila! |
Nicole at Josef, hanggang tingin na lang ba? Posted: 28 Apr 2008 09:48 PM CDT Si Nicole ang inatasang maglinis ng toilet ngayon at nung naghahanda siya, sinisilip-silip siya ng Lethal LaSallite. Napatigil na lang siya sandali at binigyan niya ito ng kaniyang trademark na tingin at smile. Tiningnan lang siya ni Josef at snob niya ang In-Chick from Cebu kaya naman napasimangot ito. Kaninang umaga lang nanggaling si Mommy Sandy sa bahay ng teens, sinunod na kaya siya ni Josef na distansyahan si Nicole? |
Ejay and Valerie are chickens for a day! Posted: 28 Apr 2008 09:30 PM CDT Pinagbihis ni Kuya si Ejay at Valerie ng manok na costume! In fairness terno ito sa buhok ni Ejay. Tinulungan siya bihisan ni Jolas dahil medyo tight suit ito at mahirap suotin. Ano kaya ang task ng dalawa? At bakit kaya siya binigyan ng task na ganito? |
Posted: 28 Apr 2008 02:54 AM CDT Kung gusto ninyong magbarkada (minimum of 5) na magkaroon ng sariling billboard sa harap ng bahay ni Kuya at manalo ng P50,000.00, i-upload lang ang inyong high-resolution barkada picture na may hairstyle na kasing astig, kasing cool at kasing extraordinary ng mga teen housemates sa photo section ng http://pinoybigbrother.multiply.com! Here's how to join: 1. Mag-register muna sa http://multiply.com (kung hindi pa registered) 2. Pumunta sa http://pinoybigbrother.multiply.com at click sa "join group" para maging member! (kung hindi pa member) 3. I-click ang post (nasa upper right section) at, under the groups section, piliin ang Pinoy Big Brother. 4. Pagka-load nito,i-click ang photo para mag-upload ng iyong barkada picture! 5. I-upload ang inyong barkada photo at ilagay sa description ang inyong pangalan (full name), contact details, address at edad. Note: Kailangan na at least lima kayo sa picture AT kailangan ding ASTIG ang inyong haircuts! Si Kuya at ang teen ho... |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment