<br> |
Posted: 27 Apr 2008 03:08 AM CDT Nagkuwento ang dalawa tungkol sa mga girlfriend nila! Namimiss ng Italian Valentino ang gf niya at humihingi siya ng litrato kay Kuya. Sabi nga lang ni Kuya may kailangan siyang gawin bago makuha ito. Tinanong naman niya kay Josef kung saan niya nakilala ang girlfriend niya. Sagot ni Josef na nakilala niya ang gf sa isang gay friend. Ayon pa kay Josef maraming kilalang magaganda ang gays at friendly siya sa kanila. Tinext niya ang kaniyang gay friend at sinabing ipakilala siya sa isang hot friend at iyon na nga ang naging gf niya. Kung may girlfriend pala ang LaSallite, ano ang namamagitan sa kanila ni Nicole? |
Posted: 27 Apr 2008 03:01 AM CDT Pinag-usapan ng dalawa kung anong gagawin nila paglabas sa bahay ni Kuya. Sagot ng Italian Valentino na pupuntahan niya family niya, lola niya at mag-shopping siya sa Lucena. Kuwento pa ni Alex na sa Pilipinas na siya titira at bibili si Mommy Minda ng bahay dito. Nagkasundo tuloy sila at sinabing sabay sila mag-shopping paglabas. Si Josef na kaya ang kapalit ni Kevin sa pagiging best bud ni Alex? |
Posted: 27 Apr 2008 02:28 AM CDT Nomination night na at alala si Valerie dito. Bukod pa dito, alala rin siya sa nalalapit na Big Night. Ang alam niya 3 linggo na lang ang natitira para sa teens. Ang problema ay marami pa sila na nandoon sa loob ng bahay. Iniisip niya kung magkakaroon ba ng twist si Kuya at 2 ang palalabasin sa isang linggo. Paano nga kaya gagawin ito ni Kuya? Malapit nanaman ang nomination night, sino sa tingin niyo ang manonominate mamayang gabi? |
Beauty learns household chores Posted: 27 Apr 2008 01:22 AM CDT Like mother like daughter talaga si Mommy Carina at Beauty! Kung mabusisi si Mommy Carina sa banyo, ganun rin si Beauty. Magkapartner sila ni Alex na naglinis ng toilet habang si Rona naman ang in charge sa shower room. Kwentuhan si Alex at Beauty at nabanggit ng Italian Valentino na miss na niya mom niya. Pero kahit kwentuhan sila, go pa rin si Beauty sa pagkuskos ng toilet! Go Beauty kaya naman pala eh! |
Posted: 26 Apr 2008 11:18 PM CDT Naglaro na ang mga guardians at teens ng immunity game! Ang mga girls ay may chains na nakapalibot sa ankles nila at kinakailangan sumisid ang boys para buksan ang lock nito. Ang gagawin naman ng mga guardians, kailangang mabasag nila ang mga palayok na naglalaman ng susi ng kandado. Unang team ay si Beauty, Valerie at Mommy Carina at ang isa pang team ay si Daddy Ike, Jolas at Priscilla. Sino kaya ang nagwagi sa game na ito at maliligtas sa nomination mamaya? |
Posted: 26 Apr 2008 08:58 AM CDT Sa paglabas nila Kevin at Daddy John sa bahay ni Kuya (read the full story on the PBB Official Website) ay naihayag ang isang "big" surprise! Nasa harap ng PBB house ang billboard ng mga male teen housemates kung saan nag-pose sila with their hip haircuts. Siguradong marami ang maiingit, kaya't patuloy lang sa pag-send ng pictures ng inyong barkada at ipagmayabang ang inyong cool haistyles. Ang mapipiling barkada ay mananalo ng Php 50,000 at ang waging picture ay gagawin ni Big Brother na billboard sa labas ng kanyang bahay! |
Josef, binigyan ng rose si Nicole! Posted: 26 Apr 2008 04:21 AM CDT Kumatok si Josef sa girls' room at binigyan si Nicole ng rose! Naku hindi pala si Kevin ang makakakuha ng mga rose ng girls. Excuse ni Josef na inutusan lang daw siya ni Beauty para ibigay ang rose kay Nicole. Josef ah, if i know. Gulat na gulat si Nicole at natameme ng sandali. Na-touch ang In-Chick from Cebu at napaluha pa dito. Pinatugtugan sila ni Kuya ng kantang "Last Chance" at nag-sweet dance ang dalawa. Taking it to the next level of "friendship" na ba ito? |
Posted: 26 Apr 2008 02:37 AM CDT Very determined si Alex na maaccomplish ang 2,000 Tagalog words at nagpatutor pa ito kay Kevin! Habang binabasa ni Kevin ang Italian word, sinasabi naman ni Alex ang Tagalog counterpart nito. Hanggang ngayon walang kaalam-alam ang teens sa paglabas ni Kevin mamaya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Alex kung malaman niya na ang kabiruan niya at best friend niya ay aalis na? |
Surprise for the teens and guardians Posted: 26 Apr 2008 12:49 AM CDT Pinapunta ni Kuya ang teens sa activity area at sinalubong sila ni Daddy John at ni Kevin! Hug na hug ang mga teens kay Daddy John na tuwang tuwa rin makita sila. Pinaghandaan sila ng mag-ama ng all Filipino lunch. Sila pa pala ang nagsurprise sa teens? Makikitang bakas ang lungkot sa mukha ni Kevin at hindi na siya palabiro tulad ng mga nakaraang araw. Ano kaya ang magiging reaksyon ng teens kapag malaman na aalis na ang fellow housemate? |
Posted: 26 Apr 2008 12:05 AM CDT Curious at intriga si Rona sa relationship ni Nicole at Josef. Tanong niya kung ano ba ang current status ng pagkakaibigan nung dalawa. Ayaw naman sabihin ni Beauty pero ang sinabi niyang advice sa lovebirds ay huwag nilang seryosohin iyon. Kaya lang sila nagkakagustuhan dahil maliit ang mundo sa loob ng bahay ni Kuya. Minsan rin hindi maiiwasang magkadevelopan dahil nakikita mo ang taong iyon araw-araw. Napa-"Correct"! nalang tuloy si Rona. Hmm.. pakinggan naman kaya ni Nicole at Josef ang payo ni Beauty o pilitin pa rin nila ang relationship? Kayo, agree ba kayo sa relasyon ni Nicole at Josef? |
Puna ni Jolas at Robi kay Beauty Posted: 25 Apr 2008 11:41 PM CDT Napansin ng dalawang boys na tumataba na si Beauty. Sabi pa ni Jolas na nung unang pumasok si Beauty sa bahay, wow ang sexy daw pero ngayon ang taba na niya. Payong kaibigan naman ni Robi kay Beauty na magpapayat na siya. Tahimik lang si Beauty at mukhang problemado sa bumibigat na timbang. Nako boys mamaya maging anorexic iyan si Beauty dahil sa inyo! |
Posted: 25 Apr 2008 11:35 PM CDT Mapapansin na lahat ng girls ay may dala-dalang red roses. Mapaiyak man sila o ano, hindi talaga nila binibitawan ito. Ano kaya ang binabalak na surprise at tribute ng teens para kay Kevin na aalis na mamaya? Gaano kaya maaapektuhan si Alex at Beauty sa pag-alis ng best friend nila? Kayo, nanghihinayang ba kayo na aalis na ang Spanish Stallion? |
Posted: 25 Apr 2008 11:21 PM CDT Nang patugtugin ni Kuya ang kantang "How Did You Know", hindi napigilan ni Valerie na ma-touch at maiyak. Nagsolo siya sa pool at umiyak ng mag-isa. Nilapitan siya ni Ejay at tinanong kung bakit siya umiiyak. Sabi naman ng Dazzling Doll, naalala lang daw niya at namimiss niya ang parents niya. Nagpaka-gentleman naman itong si Ejay at inabutan siya ng maraming tissue at tinahan siya. Ilang beses na rin naiyak si Valerie dahil sa mga magulang niya, magplano kaya si Kuya na pagkitain si Valerie at nanay niya? |
Jolas and Ejay, new best buds? Posted: 25 Apr 2008 11:13 PM CDT Bonding kung bonding ang dalawa ng buong umaga! Todo kwento itong si Ejay tungkol sa barkada niya. Kinig naman si Kuya Jolas at tawanan to the max ang dalawa. Nung wala na silang mapag-usapan, napakanta si Ejay ng "How Did You Know" at nag-duet ang new best buds. Pinatugtugan tuloy sila ni Kuya at nagtaka ang mga housemates kung para kanino daw ba ang kanta at sabi nila, dedicated sa kanila ni Kuya. Sosyal kayo boys ah, special attention kay Kuya! |
Posted: 25 Apr 2008 03:16 AM CDT Mukhang nainggit ata si Beauty sa love life ng best girl bud na si Nicole kaya biglang hinanap si Alex. Habang nagkukulitan si Nicole at Josef, niyakap ni Beauty si Alex at hinalikan pa ito sa pisngi! No reaction si Alex pagkatapos pero nung naghiwalay na sila ni Beauty mukhang napa-skip siya sa saya! Nako iba na talaga yan ah! |
Posted: 25 Apr 2008 02:19 AM CDT Magkakaroon ng film viewing sa bahay ni Kuya! Noong isang araw nanalo ang teens sa human slot machine game at ang prize nila ay movie watching. Pumaligid ang teens sa isang clear folder at namili ng papanoorin nilang sine. Choice daw ni Josef, "Tanging Yaman". Josef, ikaw ba yan? Nung nakita nila ang Pacquiao the movie, naghiyawan naman ang mga boys. Ang gusto naman panoorin ni Valerie ay "Wag kang Lilingon". Pinagbigyan ng teens si Valerie at ito na nga ang papanoorin nila. Horror movie sa hapon? Hmm.. Why not? |
Nikki at Josef, nagkatampuhan nanaman! Posted: 25 Apr 2008 01:31 AM CDT Nagkatampuhan nanaman ang dalawang magkaibigan! Hindi daw pinapansin ni Nicole si Josef kaya humingi tuloy ang LaSallite ng advice kay Beauty. Paliwanag ni Beauty na naglilinis sila kanina ni Nicole kaya siguro hindi siya inasikaso nito. Intriga pa ni Beauty kung gusto ba ni Josef ang In-Chick from Cebu at sinagot niya naman ito ng Oo! Maya-maya lang si Nicole naman ang kinausap ni Beauty at nag-Bisaya na ang dalawa na pinag-usapan si Josef. Nung pumasok si Josef sa girls' room, kinausap na siya ni Nicole kaya naman laking tuwa rin niya at balik kulitan ulit ang dalawa. Naku naman kayong dalawa! Away-bati away-bati, parang kayo ha? |
Tita Anna and Daddy John, nag-usap na! Posted: 24 Apr 2008 11:59 PM CDT Sa wakas nag-usap na rin ng matino ang dalawang guardians. Humingi rin ng paumanhin si Daddy John at inexplica niya na reality show ito at harsh ang mga show na ganito. Umalma naman si Tita Anna na hindi daw alam ni Daddy John kung kailan titigil. Sagot naman ng Spanish dad na tumitigil din naman siya minsan dahil alala siya sa health ni Tita Anna. Feeling pa ng tita ni Josef na pinag-iisahan siya ng mga guardians, dapat daw sport maglaro at hindi madumi. Pero todo emphasize naman si Daddy John na reality show ito at malupit talaga sa mga ganun, dapat matibay ang loob mo. Sino sa palagay ninyo ang mali sa kanila? Kanino kayo papanig sa usapang ito? |
Posted: 24 Apr 2008 10:36 PM CDT Pursigido talaga si Rona na mapanalo ang weekly task na ito kaya naman tinutukan niya si Ejay na hindi masyadong makahabol sa pagsasayaw. In fairness to Rona, nahahasa talaga si Ejay sa pagsayaw niya. Pati si Kuya Jolas naki-coach na rin at binigyan ng instructions ang Promdie Hottie. Go Ejay! Konting practice na lang at makukuha mo rin yan! |
Posted: 24 Apr 2008 10:11 PM CDT Kung anong kina walang gana ni Ejay sa pagsasayaw, iyon naman ang pagka-kareer ni Daddy Erning sa hip-hop dance. 'Yung ibang guardians, nakapambahay lang, pero itong si Daddy Erning, bihis na bihis na kahit mamaya pang hapon ang performance nila! At take note, may nalalaman pa siya na paglagay ng bandanna. Game na game si Daddy Erning at todo bigay sa mga steps nila. Ano kaya kung magkashowdown itong mag-ama? Winner itong si Daddy Erning! |
Posted: 24 Apr 2008 03:04 AM CDT Solve the One team, One summer online puzzle and you may win |
Posted: 15 Apr 2008 03:23 AM CDT |
Posted: 15 Apr 2008 02:32 AM CDT Mariel, Bianca, Toni and Luis meet the |
Posted: 15 Apr 2008 02:12 AM CDT Ang renovated na bahay ni Kuya para sa PBB Teen Edition |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
1 comment:
uh...could you please please please translate each blog into english once you recieve them from the pbb multiply site? i don't understand tagalog (which you may ask: so why watching the show???) but i'm actually addicted to it and not being able to read the updates blog is SO frustrating! you would be a lifesaver ;)
thanks!!!
ciao!
Post a Comment