Wednesday, April 16, 2008


<br>

Swimming lessons for Jolas!

Posted: 15 Apr 2008 11:44 PM CDT

Binigyan ng swimming lessons ni Daddy John ang Gentle Giant na si Jolas! Swak na swak sa summer ang lessons na ito at mukhang ok pa na instructor si Daddy John. Kailangan dumapa si Jolas sa pool, humawak sa dulo ng pool at ipadyak ang legs. Gets? Mabilis na natuto si Jolas at nagpaunahan na sila ni Kevin. Ano pa kayang mga susunod na gimik ni Daddy John sa loob ng bahay ni Kuya?

Cooking with Daddy John and Beauty

Posted: 15 Apr 2008 10:20 PM CDT

All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. 

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!

Captain Boom is in the house!

Posted: 15 Apr 2008 09:38 PM CDT

Wake-up call ng teens ngayon ay walang iba kundi si Jon Avila a.k.a. Captain Boom! Napasigaw sa tuwa si Beauty at napatakbo pa sa labas para magtoothbrush dahil gusto niyang halikan ang crush. Pagkaalis ni Captain Boom, si Beauty, may hangover pa! Sabi niya kay Robi na sana bumalik si Jon at sana ibang costume naman daw - Topless. Aba naman. Panalo talaga sa hirit ang Rebellious Beauty kaya shock at sabay tawa na lang ang Atenistang si Robi.

My Gulay!

Posted: 15 Apr 2008 05:51 AM CDT

The teens wore cute veggie costumes for a game in Uber today. Lagi kasi nabubulok gulay nila so Kuya decided na they have to win the game or else gulay forever nanaman sila. Sadly the housemates lost so kinonfiscate ni Kuya ang chicken, pork at beef sa ref.

Guardians play ball!

Posted: 15 Apr 2008 04:02 AM CDT

Pinatunayan ng guardians na hindi sila senior citizens at kaya pa rin nila ang mga ginagawa ng mga kabataan! Habang uugod-ugod ang teens sa kabila, enjoy naman ang guardians sa paglalaro ng volleyball at basketball! Si Mommy NingNing at Daddy Ike ang naglaro ng volleyball at si Daddy John ang kanilang dakilang referee. Nagpakitang gilas pa si Daddy Ike at nagshoot ng bola na nakatalikod sa ring! O diba? Kaya ninyo yun? Go guardians!

No comments: