| Teens Blind Mice Posted: 15 Apr 2008 03:14 AM CDT Kamusta naman ang outfit ng teens ng Three Blind Mice? Ang unang batch na sumabak sa maze ay si Linda, Kevin at Beauty. Bawal hawakan ang mga lubid dito at kailangan lang nila gamitin ang mga baston na hawak nila. Senior citizens tuloy ang feeling ng teens sa mga black bastons nila at sa pangangapa sa buhol-buhol na maze! Mahanap nga kaya nila ang exit sa maze na ito? Abangan mamaya ang Uber para malaman kung wagi ang first batch of teens!
|
| The search for the missing blindfold Posted: 15 Apr 2008 02:41 AM CDT Nawawala ang isang blindfold na gagamitin ng housemates sa task! Kailangang magpractice ang housemates para sa weekly task nila na Three Blind Maze pero hindi sila makasimula. Kailangan nilang mahanap ito at si Ate Rona ang pursigido sa pagtingin sa mga sulok ng kuwarto. Ganoon na kaya ka-kalat sa loob ng bahay ni Kuya at maraming bagay ang nawawala? At hindi kaya ang nagtago ng noodles ang siya ring nagtago ng blindfold? Hmm.
|
| Nagsama ang dalawang nominado! Posted: 15 Apr 2008 01:44 AM CDT Kahit na ibinoto ni Linda si Kevin at gayundin si Kevin sa kaniya, damayan ang dalawa sa Tagalog lessons ni Kevin! Very helpful si Linda na tinulungan ang Spanish Stallion sa pagtranslate ng mga Tagalog words. Mapasa kaya ni Kevin ang Tagalog test mamaya at maging certified Pinoy na? At mapalitan na kaya ang bad impression ng Spanish Stallion sa Bikini Babe dahil sa pagmamagandang loob nito?
|
| Mga Kuyanatics, lilipat na tayo ng bahay! Posted: 15 Apr 2008 01:26 AM CDT Mga avid followers of pbigb! Maraming salamat sa inyong pagtangkilik dito sa ating munting lugar sa multiply. At dahil sa dami na ng Kapamilya natin dito, di na tayo kasya sa ating maliit na bahay! Kaya lipat bahay na tayo Kuyanatics! Add niyo na muli sa inyong mga contacts - http://pinoybigbrother.multiply.com/ See ya sa mas malaking bahay!!! |
| Priscilla at Valerie inakusahang kumuha ng noodles! Posted: 14 Apr 2008 11:12 PM CDT Nagtipon ang housemates sa living room para pag-usapan ulit ang dating nawawalang noodles. Pero ang bago sa usapang ito, mayroon nang tinukoy na posibleng salarin! Si Priscilla at si Valerie ang mga tinanong ng housemates kung sila nga ba ang kumuha ng noodles. Pakiramdam tuloy nila na inaakusahan sila dahil pinapaamin sila ni Kevin. Isa lang naman ang tanong ni Kevin: Ano ang ginagawa ng noodles sa jar? Ang orihinal na lalagyan ng noodles ay sa loob ng cabinet kaya kataka-taka ang mga noodles sa loob ng jar. Sabi ni Kevin nakita niya si Valerie na kumukuha ng noodles dito. Paliwanag naman ng Dazzling Doll na binuksan lang niya yung jar para ilipat yung noodles. Pumasok na lang ang dalawang girls sa Confession Room para magpaliwanag kay Kuya na wala sa teen housemates ang kumuha ng noodles. Mahanap na kaya ng teen housemates kung sino ang nagnakaw ng noodles? At tuluyan kayang mahiwalay ang loob ng teen housemates sa isa't-isa dahil dito? |
| Nicole at Josef, nagmomoment! Posted: 14 Apr 2008 09:57 PM CDT Panay kulitan ang dalawang teen housemates sa living room! Hindi pa man gising na gising ang dalawa pero nagkukulitan na. Kinakagat ni Josef sa braso si Nicole at inaasar naman siya ng In-Chick from Cebu na gagantihan niya ang makulit na Lasallite. Hindi naman niya matuloy ito dahil umaaray na agad si Josef. Kayong dalawa ah iba na ito! At paano naman kayo makakatulog ng maayos niyan kung panay ang kulitan?
|
| Ang tamang daan ayon kina Robi, Rona, at Kevin Posted: 14 Apr 2008 02:50 AM CDT Matapos pagtiyagaan nina Robi, Rona, at Kevin na pag-aralan ang malawak na maze sa activity area ay bumalik sila sa pool para ituro sa ibang housemates ang tamang daan para makalabas sa maze. Idinitalye ng tatlo ang mga point kung saan dapat ay mag turn sa left o sa right, at mayroon ding zigzag na daan. Nakadalawang matagal na subok sina Robi, Rona, at Kevin sa maze, at mukhang delikado pang makalimutan nila ang tamang daan. Ang ibang teens naman ay parang hindi naa-absorb ang mga instructions ng tatlo dahil wala silang mental picture ng actual maze.
|
No comments:
Post a Comment