Thursday, April 17, 2008


<br>

Housemates prepare for the surprise

Posted: 17 Apr 2008 01:30 AM CDT

Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!

Okoy squash coming right up!

Posted: 16 Apr 2008 10:50 PM CDT

Si Ejay at Valerie ang nakatakdang magluto ng kalabasa ngayon. Moment sana ito para sa famous love team kaso very determined sila pasarapin ang okoy squash. Todo concentrate tuloy sila sa paghihiwa ng squash at carrots. Nagsalita lang ang dalawa nang mapansin na wala palang bean sprouts, pepper at soy sauce. To the rescue si Kuya at pinakuha ang mga ito sa storage room. Dahil kumpleto ang ingredients niyo, dapat lang na super sarap ng okoy squash a la Val at Ejay!

Goodbye Linda?

Posted: 16 Apr 2008 09:01 PM CDT

Si Rona ang inatasan ni Kuya para magplano ng presentation para kay Linda. Mamayang lunch time na aalis ang Bikini Babe ng Iriga at maghahandog ang housemates ng remembrance para sa kaniya. Nalungkot si Valerie dahil gusto daw niya si Linda at ayaw niyang umalis ito. Binabantayan ni Priscilla si Linda habang nagpaplano ang housemates sa labas. Maging memorable nga kaya ang presentation na ito para kay Linda at Mommy Ningning? Kayo, agree ba kayo na si Linda ang magvoluntary exit?

Ejay, nagtapat na kay Valerie!

Posted: 16 Apr 2008 08:52 PM CDT

Nagulat si Valerie nang sinabi sa kaniya ni Ejay na "I like you"! kaya napa "ako rin" na lang ang Dazzling Doll. Kanina pa sila nag-uusap at pinipilit ni Valerie na kausapin siya ni Ejay. Sabi pa niya naiintindihan naman niya na minsan walang masabi si Ejay. Pero ang sabi naman ng Promdie Hottie, language daw kasi. Dahil tampo si Valerie na siya lang ang hindi kinakausap ni Ejay, nagtapat na ang binata! Ayan tuloy natameme ang German chick at napa "ako rin" na lang. Edi siya ngayon ang walang nasabi?

Ejay and Valerie bond over squash!

Posted: 16 Apr 2008 08:37 PM CDT

Nakahanap nanaman ng rason si Ejay para kausapin ang Dazzling Doll! Ang gulay for the day nila ay kalabasa at kailangan nilang lutuin ito. Tinuruan ni Ejay si Valerie kung ano ang putaheng puwedeng kainin kasama ang kalabasa. Todo explain si Ejay at all ears naman ang German chick. Pero mukhang hindi na nakayanan ng powers ni Ejay kaya sumuko rin siya at mamaya na lang daw niya itutuloy. Makadamoves kaya ang Promdie Hottie mamaya sa pagluluto nila?

Linda or Josef?

Posted: 16 Apr 2008 09:10 AM CDT

Yan ang malaking katanungan ngayon. Sino sa dalawa ang nag voluntary exit?

Si Linda ba ay nakipagdeal na kay Kuya para makasama si Daddy Hans at ang kanyang buong pamilya sa isang all expense paid vacation?

O si Josef na alala sa kalusugan ng kanyang Tita Anna?

Both worth while sacrifices...pero paano naman din ang mga pangarap nila? Hay ang hirap talaga maging housemate ni Kuya!

Crushin' on the boys

Posted: 16 Apr 2008 05:49 AM CDT

Rona: Kung may Jolas...
Linda: May Priscilla
Rona: Kung may Valerie...
Linda: May Ejay
Rona: Kung may Nicole...
Linda: May Josef
Rona: Kung may Linda...
Linda: May Linda

Asaran galore ang mga girls tungkol sa kanilang mga crushes pero itong si Linda todo deny na "Kung may Linda ay may Alex". Kahit si Rona ay ayaw umamin na ang ka-love team niya ay si Robi! Asus! Kunwari pa kayo.

 

 

 

Paalam Kuya?

Posted: 16 Apr 2008 02:59 AM CDT

Masaya man ang ang morning ng mga teens today, mukhang malulungkot sila sa mga susunod na mga oras dahil isa sa kanila ang gusto nang maggood-bye kay Kuya.

Ano ang nangyari at gusto na ng housemate na ito na magvoluntary exit? At matimbang ang kanyang rason dahil mukhang pumayag naman si Kuya sa kanyang kagustuhan.

Nakakalito talaga ang mundo ng mga teens! Sino sa kanila ang magpapaalam na? Watch ka na lang ng PBB Teen Edition Plus later sa Primetime Bida para malaman kung sino ang teen na ito.

Voting is now officially closed and all proceeds will go to L.O.L.

Kevin cracks up the teens!

Posted: 16 Apr 2008 02:48 AM CDT

Dahil hindi makulit ni Kevin ang pagod at antok na si Beauty, nagpractice na lang siya ng kaniyang Tagalog lessons. Tawang-tawa si Jolas at Ejay nang hindi masabi ni Kevin ang salitang "NGAYON". Pano ba naman, tayo lang ata ang may "NG" sa alphabet diba? Paulit-ulit na parang sirang plaka si Kevin na sinasabi ang "ngayon" na naging "nangyon, nayon, nyayon"... you name it, except, "ngayon"! Naku Kevin isang Tagalog word pa lang yan ah out of 2000 na kailangan mong aralin. Kaya mo pa kayang sabihin ang "Kataka-taka"?

No comments: