| Big Brother Bikini Open Posted: 14 Apr 2008 02:35 AM CDT Sa kalagitnaang ng masayang pagsi-swimming ay napagkatuwaang ng mga teen housemates na gumawa ng ala Bikini Open show sa paligid ng pool. Syempre naman ay nanguna dito si Linda na expert na sa mga bikini fashion shows, at hindi rin nagpahuli ang beauty titlist na si Priscilla. Ang mga boys naman ay feeling mga Bench underwear models especially ang dalawang matangkad na sina Ejay at Jolas. Pero ang palabirong si Josef ay muli namang hinaluan ng kalokohan ang kanilang show kuno. In fairness naman ay confident ang Lasallite sa kanyang skimpy swimming trunks.
|
| Weekly Task: Three Bilnd Maze Posted: 14 Apr 2008 02:21 AM CDT Sa pagsisimula ng week four sa loob ng bahay ni Kuya ang ibinigay na ang bagong weekly task sa mga teen housemates. Sa Three Blind Maze, may hanggang Friday ang mga teens para pag-aralan ang isang mga malaking maze habang naka-blind fold. Kailangan nilang kabisaduhin ang pasikot sikot sa maze at sa Friday ay pipili sila ng tatlong housemates na papasok sa maze na nakapiring ang mata. Kapag isa sa tatlong representatives ang hindi makatapos ng maze sa nakatakdang oras ay talo sila sa weekly task. Hindi kaya magkaligaw ligaw ang mga teens sa task na ito ni Kuya? |
| Mas gwapo BF ko... Posted: 13 Apr 2008 04:35 AM CDT Tinanong ng mga girls si Nicole tungkol sa bf niya. Mas gwapo daw ba ito ke Josef? Umoo si Nikki na mas gwapo nga ang boyfriend niya sa labas. Close din daw ito sa mom niya. Pero aalis na papuntang London ang bf niya for college. Dahil ba dun kaya napapabaling sa iba ang atensyon ni Nikki? |
| I love Kuya talaga! Posted: 13 Apr 2008 04:15 AM CDT Yan ang sabi ni Beauty paglabas niya sa confession room. Nahalikan niya ang mga housemates na nagpapabeauty sa may kitchen sa saya. Sabi rin niya "I love Jing Jing talaga!" Bakit kaya natuwa si Beauty? |
No comments:
Post a Comment