Sunday, April 13, 2008


<br>

Sabihin mo ng 10x...

Posted: 12 Apr 2008 10:02 AM CDT

Sinigundahan ni Jolas ang jokes ni Josef. "Sabihin mo ng 10x ang corned beef!" sabi niya ke Rona. Sabay tanong ano ang english ng cow? Muntik na sabihin ni Rona na beef!

Mukhang mabili mga jokes ng 2 to ha...

Joke time...

Posted: 12 Apr 2008 09:59 AM CDT

Joke time nanaman habang nagpapahinga ang mga teens. Si Josef may naisip na game na dapat ay ituro ng housemates ang body part na sasabihin niya ng paulit ulit. Kelangan ay mailipat nila ang kamay nila sa tamang body part kung ibahin man ni Josef ang sasabihin niya. After a few rounds mukhang kulelat at alaskado si Robi.

Bye Jie!

Posted: 12 Apr 2008 08:37 AM CDT

Baha ng luha sa loob ng bahay dahil si Jieriel ang nahatulang ng eviction. Napayakap na lamang si Jie sa lahat ng housemates.

Tally of votes:

Josef - 47.49%

Pris-19.98%

Val - 18.66%

Linda - 9.28%

Jie-4.59% 

Good luck Jieriel!

Val and Linda in na in

Posted: 12 Apr 2008 08:30 AM CDT

Dalawa pa sa nominado ang safe -- Valerie and Linda. Kitang kita naman ang kasiyahan sa mukha nung 2 teens. Sino nga kaya ang magpapaalam ngayong gabi?

Priscilla, safe!

Posted: 12 Apr 2008 08:22 AM CDT

Nakahinga na nang maluwag si Pris. Your votes have saved her! Sino kaya ang susunod na safe?

Ro-ro?

Posted: 12 Apr 2008 06:56 AM CDT

Nakapwesto na ang mga teens sa living room para sa Eviction Night na magaganap in a few minutes. Bigla na lang nakarining ng "yihee" mula kina Nicole, kasunod ng pagsabi ng "Ro-Ro" sa magkatabing sina Robi at Rona?

Hmm...what's up with that guys?  

My Mini-me

Posted: 12 Apr 2008 06:21 AM CDT

Sarap na sarap sa pagkain ng ice cream ang mga housemates. Magkatabi si Jieriel and si Beauty na sabay na sabay sa pagsubo. Natawa na lang sina Robi nang sabihin ni Beauty na si Jieriel ang kanyang "Mini-me". Pinapose pa niya si Jieriel tulad ng sa movie na Austin Powers.

After maubos ang ice cream sa kanyang bowl sabi ni Beauty na ayaw niya ng nuts sa ice cream. Natawa nanaman si Robi sabay sabi "Ayaw na raw ni Beauty kumain ng ice cream" na kinontra naman ng girl housemate.

Inaaliw na lang nila malamang andg mga sarili nila dahil ilang minuto na lang mababawasan na sila ng isa.

No comments: