Sunday, April 20, 2008


<br>

Alex goes Abakada

Posted: 20 Apr 2008 01:45 AM CDT

Pursigido si Rona na turuan si Alex kaya naman back to basics ang dalawa. Tinuruan ni Rona ang Italian Valentino ng Abakada. Hindi kaya magselos nanaman nito si Beauty? In fairness, mukhang gusto ngang maging totoong Pinoy ni Alex kaya attentive siya sa pakikinig sa Tagalog enunciations ni Rona. Mapasa kaya ni Alex ang test ni Kuya na 2,000 Tagalog words? Good luck Alex!

Food delivery!

Posted: 20 Apr 2008 01:11 AM CDT

Kakaiba rin ang paghatid ng pagkain sa teens ngayon. Imbis na iwan ni Kuya sa storage room, inilambitin pa niya ito para kunin ng teen housemates. Si Kevin, Nan at Robi ang mga nanguna sa pagkuha ng nakalambitin ng pagkain. Makaraan ang ilang minuto, success ang tatlo at napacheer ang ibang housemates. Talaga nga namang ipinapakita ni Kuya sa teens ang value ng pagkain sa ganitong paraan. Sa mga nakaraang linggo, nakita na medyo sinasayang nila ang pagkain, ngayong pinaghirapan nila kunin ito, pahalagahan na kaya nila ito?

Daddy John, sinimulan na ang secret sacrifice!

Posted: 20 Apr 2008 12:03 AM CDT

Nakumbinsi na ni Daddy John ang daddy ni Jolas na si Daddy Ike para gupitan ang kaniyang buhok. Si Daddy Ike, naka-mohawk style! Kamusta naman iyon. Natawa tuloy si Mommy Minda at Daddy Erning sa kakaibang hairstyle na ito. Hindi makita ni Daddy Ike ang itsura sa salamin kaya pinagbasehan na lang ang itsura ni Mommy My Love na masama raw ang mukha nung nakita ang new haircut. Si Daddy Erning patawa-tawa pa, naku daddy kung alam mo lang na ikaw na ang susunod diyan!

Kevin, sinita si Rona!

Posted: 19 Apr 2008 11:27 PM CDT

Mahilig kumanta si Rona at ngayon she's in one of those moods. Todo kanta siya ng mga worship songs nang bigla siyang sinutsutan ni Kevin. Huwag daw siya kumanta dahil may mga taong gustong makatulog. Natahimik si Rona sandali pero maya-maya lang ay kumanta ulit. Bagaman alam ni Kevin na maraming housemate ang naiinis sa kaniyang pagiging offensive, tuloy pa rin siya sa mga ganitong klaseng gawain. Maging rason kaya ito para i-nominate ng housemates ang Spanish Stallion mamaya?

Nakakatawa na ulit si Josef

Posted: 19 Apr 2008 08:52 AM CDT

Makikita talaga sa mukha ni Josef ang relief nang malaman ang desisyon ng kanyang tita. Nga lang di niya pwede ishare sa HMs ang good news dahil kelangan muna niya lumagi sa side ng mga guardians...

Ano kayang iisipin ng mga teens sa di pagbalik ni Josef? Hanggang kelan si Josef sa kabilang bahay?

Tita Anna asks for a second chance

Posted: 19 Apr 2008 08:35 AM CDT

Tita Anna finally confessed that one of the reasons she wants to leave is because of her conflict with Kevin's father. She explained that his issue with her is adding to the burdens she is feeling; missing her family, her mother's death anniversary and having someone she can really talk to. She asks Kuya to give her a second chance and Big Bro agrees with a condition. If she asks to exit again, he will not ask questions or give choices but will just let her go together with Josef.

Poor Josef

Posted: 19 Apr 2008 08:13 AM CDT

Nakausap pala ni Josef ang kanyang Daddy para tanungin kung bakit si Tita Anna niya ang kasama niya sa loob ng bahay. Nalungkot ito kasi last resort lang pala si Tita Anna dahil walang pwedeng sumama sa kanya. Nanghihinayang kasi si Josef sa hirap na pinagdaanan niya para makasali sa PBB at parang walang pakialam dito ang kanyang tita. Naicompare tuloy niya ang parents niya sa daddy ni Jolas na iniwanan ang trabaho para lamang matuloy ito at me makasama sa PBB.

Paano na nga ba si Josef?

I don't wanna miss a thing...

Posted: 19 Apr 2008 06:21 AM CDT

Lumipat ng kwarto ang nagpapoging si Alex with Josef para kumuha pa ng ilang styling aids. Pumasok si Rona sa room at natawa na lang sa eksena ng dalawa na nagaayusan ng buhok. Kapansin pansin na nakasunod nanaman si Nicole kay Josef, pero wala itong imik.

Biglang napakanta si Rona ng "I Don't Want to Miss A Thing"...parinig ba ito or nataon lamang?

Apple cut?

Posted: 19 Apr 2008 06:11 AM CDT

Yan ang natanong ni Robi kay Alex habang inaayusan siya ni Josef ng buhok. Mukhang bagong gupit ang housemate kaya nagpatulong ito sa fashion/beauty guru ng mga boys na si Josef. Plinaplantsa ni Josef ang "bangs" ni Alex and Robi asked him kung siya rin ay nagplaplantsa araw araw. "Di no," sagot ni Josef, "pagumaalis lang. Sobrang tamad ko kasi eh."

Aba natamad ka pa ng lagay na yan Josef ha!

Josef, nagiimpake na!

Posted: 19 Apr 2008 04:24 AM CDT

Pinag-impake na ni Kuya si Josef! Nagulat si Robi dahil akala niya bukas pa ang alis ni Josef. Iyon din ang akala ng Lethal Lasallite kaya naman nabigla rin siya nang sabihin ni Kuya na magbihis siya at mag-impake na. Very hopeful naman si Jolas na nagsabing "porket pinag-impake lang, aalis na ba yun?" Malungkot ang mga teens na nakapalibot sa Lethal Lasallite at si Rona napaiyak na lang. Si Beauty at Priscilla naman tameme na nakatingin sa nagaalsabalutan na si Josef. Tuluyan na nga bang aalis ng bahay si Josef?

No comments: