Saturday, April 19, 2008


<br>

Valerie and Ejay get close and comfy

Posted: 19 Apr 2008 01:42 AM CDT

Very open ang dalawa at napag-usapan pa ang ex-girlfriend ni Ejay! Hindi nahiya si Ejay na sabihin na ang dating tawagan pa nila ay "asawa ko". Gusto sana makita ng Dazzling Doll ang ex-gf kaso nga lang walang dalang picture si Ejay. Nagdescribe na lang tuloy ang Promdie Hottie kung ano ang itsura ng dating girlfriend: black beauty, long hair, chubby at mas matangkad pa kay Valerie, mga 5'10 ang height. Tanong ni Valerie kung mahilig ba sa sports ang girl at todo OO naman si Ejay. Sa katunayan ay MVP pa ng volleyball ang girl. Halatang-halata na sobrang curious ang Dazzling Doll, 'di kaya nagseselos siya sa ex-gf?

 

Tsismis ni Beauty

Posted: 19 Apr 2008 12:40 AM CDT

Si Beauty na ang bagong tutor ni Alex sa Tagalog! Kaya naman more bonding moments para sa dalawa. Sa pag-uusap nila kanina nabanggit ni Beauty na mayroon daw na may masamang amoy sa teens. Naku naman dahil ba ito sa maikling shower time para sa kanila? Tanong ni Alex kung siya daw iyon at sagot naman ni Beauty na hindi. Basta meron daw pero secret lang niya iyon. Hmm kayo talaga housemates, dapat maximize niyo rin ang shower time!

Si Priscilla naka-hair extensions pala?

Posted: 19 Apr 2008 12:31 AM CDT

Hindi mapakali si Priscilla simula nung tanggalin ni Rona ang hair extensions niya. Nadagdagan pa ito nung nagcomment ang "Boots the Monkey" ni Priscilla na si Jolas na mas maganda daw nung long hair pa siya. Walang pasubali na sinabi ni Priscilla na ibabalik naman daw niya ang hair extensions dahil yun ang gusto ng love interest niyang si Lino. Kayo, ano sa palagay niyo ang mas bagay kay Priscilla?

Josef, aalis na bukas?

Posted: 19 Apr 2008 12:20 AM CDT

Nag-uusap si Rona, Priscilla at Nicole tungkol kay Tita Anna na malubha na ang sakit na UTI. Tanong ni Rona kay Nicole kung aalis na daw ba si Josef bukas dahil gabi-gabi ay umiiyak ang Lethal Lasallite. Inusisa rin ng Top Debater ang katanungan ng lahat: paano na si Nicole kung umalis na si Josef? No comment naman dito ang In-Chick from Cebu. Totoo nga kaya na aalis na si Josef bukas? Abangan.

Teens groove to "Kabataang Pinoy"

Posted: 19 Apr 2008 12:09 AM CDT

Bagaman mabagal ang hapon at mukhang pagod ang mga teens, nagsitayuan pa rin ang lahat nung pinatugtog ang theme song nila. Tumigil si Priscilla at Rona sa pag-aayos ng buhok nila para lang maki-join sa iba. Lumabas rin lahat ng teens sa mga kuwarto para sama-samang isayaw ito sa dining area ng guardians. Mayroon pang comedy na step si Robi at Alex na talaga namang nagpatawa sa mga teen housemates. Panoorin ang sayaw na ito mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!

Problems on budgeting

Posted: 18 Apr 2008 10:50 PM CDT

Inatasan si Nan, Alex at Nicole para asikasuhin ang pagbudget ng mga kakainin nila sa susunod na linggo. Bawal daw makialam ang ibang housemates kaya naman tiningnan lang nila ang tatlo. Hirap ang tatlo na isipin kung ano-anong mga ulam ang kakasya sa weekly budget na Php 3,000. Pero para kay Nan, basta may "in can" eh solve na siya. Yung iba naman nagpapahapyaw na maglagay ng sardinas. Maipanalo na kaya nila ang weekly task sa susunod na linggo para hindi na sila mamroblema sa budget?

Pasabog sa bahay ni Kuya!

Posted: 18 Apr 2008 10:30 PM CDT

Habang naglalaro ng card game si Beauty, Ejay, Jolas at Josef, biglang may nagpasabog! Napatakip na lang ng unan si Beauty sa mukha at napatayo si Jolas. Wala naman silang tinuturong salarin pero si Josef mukhang guilty! Hindi daw siya iyon at hindi na daw siya umiinom ng C2 na sanhi ng pagbubuga niya ng lagim. Sige na nga Josef, sabi mo eh!

No comments: