Thursday, April 10, 2008


<br>

Teens go Low, Low, Low

Posted: 10 Apr 2008 02:50 AM CDT

Sa kalagitnaan ng pagiging busy sa pagtatahi ng kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay nagising ang mga teen housemates nang biglang magpatugtog si Big Brother ng Low.  Ang lahat ay agad na nag-party mode at itong sina Valerie at Jieriel ay biglang humataw na parang nasa Wowowee lang.  Ang iba naman ay mas ginanahan pa sa pagtahi ng shirts dahil nagising na rin sila sa upbeat music ni Kuya.

Baking 101 with Daddy Ike

Posted: 10 Apr 2008 02:44 AM CDT

Kasama na nga ng mga guardians sina Daddy Hans at Mommy Ningning, pero sina Jolas at Ejay ay nage-enjoy pa rin sa secret place.  For this afternoon, naatasan si Daddy Ike na mag-bake ng pandesal.  May alam naman pala ang tatay ni Jolas sa basic baking kaya itinuro din niya ito sa ibang guardians.  Si Mommy Minda naman ay super willing na matutunan ang paggawa ng tinapay, at nagbiro pang dadalhin niya sa Italy si Daddy Ike dahil mabenta nga ang cakes at pastries doon.

The boys and the men

Posted: 10 Apr 2008 01:56 AM CDT

Napapasarap na sina Jolas at Ejay sa kanilang stay kasama ang mga guardians.  Dahil na rin siguro sa init ng panahon, naisipan ng Promdi Hottie at Gentle Giant na magbabad sa jacuzzi, at sumama na rin si Daddy Ike sa pagpapalamig habang si Daddy Erning ay nasa tabi na nakikipagkwentuhan.  Napag-usapan nina Daddy Ike at Jolas ang mga usual boys' stuff tulad ng armpit hairs, shaving, basketball, at syempre, mga girls.  Itong si Ejay naman ang kanilang napag-tripan dahil sa kanyang lihim na pagkagusto kay Valerie.

Sige nga mga daddies, pagtulungan niyo ang natotorpeng si Ejay.

Ejay at Jolas sa piling ng mga guardians

Posted: 09 Apr 2008 11:39 PM CDT

Habang ang mga teen housemates ay kasama ang parents ni Linda, sina Ejay at Jolas naman ay nakasalo sa breakfast ang ibang guardians.  Sa wakas ay nadiskubre na rin ng Promdi Hottie at ng Gentle Giant ang "secret place."  Super saya naman ni Ejay na makita ang kanyang Daddy Erning at si Jolas naman ang kanyang Daddy Ike.  Ang dalawang teens naman ay nagkwento sa kalagayan ng ibang teens sa kabilang bakod. 

Sino na lang ba ang hindi nakakaalam tungkol sa secret place na ito?

Reunited ang parents ni Linda!

Posted: 09 Apr 2008 11:29 PM CDT

Super happy ng umaga ni Linda dahil nagising siya na hindi lang kasama ang kanyang Daddy Hans kundi kapiling din nila ang kanyang Mommy Ningning. Matapos nga ang lampas tatlong taon ay muling nakasama ng Bikini Babe ang kanyang ama, at pakiramdam ni Linda na kulang na lang ang kanyang nakababatang kapatid ay pwede na silang makumpleto bilang isang pamilya sa loob ng bahay ni Kuya.  Habang gumagawa ng house chores sina Daddy Hans at Mommy Ningning ay tinulungan na sila ni Nan. 

Maging Sino Ka Man

Posted: 09 Apr 2008 05:33 AM CDT

Talaga namang pairing kung pairing na sa loob ng bahay. Isang makabagdamdaming Maging Sino Ka Man ang i-prinesent naman nina Josef, Nikki, Val at Ejay ke Daddy Hans. At dilang basta song number ha, me matching titigan at yakapan pa...hmm...Umuusbong na ba ang Big Brother Love?

What's with the headband Josef?

Posted: 09 Apr 2008 05:29 AM CDT

Naku mukhang nawili si Josef sa pagsuot ng headbang ni Nicole na pansin na pansin naman ni Kuya. Kahit sa task, loob ng bahay, sa kusina, aba di na niya ito ibinalik pa sa may-ari... kaya ayun tuksong umaatikabo ang inabot niya ke Big Bro sa loob ng confession room. Yihee..si Nicole pala

All for Daddy Hans

Posted: 09 Apr 2008 05:25 AM CDT

Nagpresent si Alex, Kevin at si Beauty ng isang nakakatawang number to the tune of "Sofa" na gawa ng isang aspiring PDA scholar. Tawang tawa ang mga housemates sa girly na itsura nina Alex at Kevin samantalang si Beauty naman ay nagmukhang siga?

Mukhang bagay na bagay sa 2 boys ang skirts nila ah...

Pagkakaibigang nasira...

Posted: 09 Apr 2008 05:20 AM CDT

After pala ng nomination night at di na masyadong nagusap ang best friends na sina Val at Priscilla. Mukhang nagkaroon na ng gap ang dalawa dahil sa kanilang automatic nomination. Sinubukan ng mga girls na pagbatiin ang dalawa at mukhang ok na si Val at Pris. Pero sa tingin niyo me lamat na ba ang friendship nila?

No comments: