| Kevin in make-up! Posted: 09 Apr 2008 01:20 AM CDT Pinagtripan ng girl housemates ang Spanish Stallion na si Kevin! Nilagyan siya ng make-up at para daw ito sa presentation. Mukhang natapos rin ang pagtatampo ni Nicole kay Kevin dahil siya ang nangunguna sa pagmmake-up dito. Tawang tawa ang mga girls habang si Kevin naman tahimik na nakapikit. Very willing naman siya at game dito. Ikaw na kaya Kevin ang papalapit kay Josef na make-up King?
|
| Girls ready their presentation! Posted: 08 Apr 2008 11:46 PM CDT Bago umalis si Daddy Hans, maghahandog ng performance ang teen housemates para sa kaniya. Si Beauty ang inatasan para mamahala dito at strict ang instruction sa girls: IMPERSONATE LINDA! Keri niyo ba yun girls? Kailangan nilang makipagpartner sa boys para gawin itong task. Kani-kanino kaya mapapartner ang girls? Paano nila gagayahin si Linda? Ito na kaya ang first time nilang makikitang umiyak ang Bikini Babe?
|
| Nagmomoment si Josef at Nicole! Posted: 08 Apr 2008 10:58 PM CDT Hindi mapaghiwalay si Josef at Nicole! Habang nagkukuwento si Daddy Hans, patuloy na minamasahe ni Josef ang kamay ni Nicole. Pagkatapos naman nito ay inaayos ang buhok ng pretty In-Chick from Cebu. At balik nanaman si Josef sa pagmamasahe. Niloko pa niya kunwari si Nicole at sinabing may charge daw ito per hour. Mapapansin na very close ang dalawa lately, maging more than just friends kaya ang dalawa? Kayo, agree ba kayo sa Josef-Nicole tandem?
|
| Daddy Hans is radical! Posted: 08 Apr 2008 10:42 PM CDT Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding talaga ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama. Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?
|
| Daddy Hans taps into Linda's memory Posted: 08 Apr 2008 10:12 PM CDT Sinubukang makipagbonding ni Daddy Hans kay Linda. Pinaalala niya noong January 16, 1999, nasa airport siya pabalik ng Norway, sinabi sa kaniya ni Linda, "Take it easy in Norway, you have only one life that you borrowed." Hindi ito makalimutan ni Daddy Hans at sinusubukan naman ni Linda na alalahanin ito. Noong medyo naalala na niya, sinabi niya na 8 years old pa lang siya noon. Pagkatapos ay natahimik na lang ang Bikini Babe ng Iriga. Tumibay kaya ang relasyon ng mag-ama sa pagtitira ni Daddy Hans sa bahay ni Kuya?
|
| Bonding ang girls at si Daddy Hans Posted: 08 Apr 2008 10:02 PM CDT Kagabi pumasok si Daddy Hans, dad ni Linda para magcelebrate ng birthday niya sa loob. Bonding to the max sila ng girls especially si Rona. Sinimulan ni Beauty na nagtanong kung ilan taon na si Daddy Hans. Napa "hay nako" na lang si Daddy dahil ayaw niya maisip na tumatanda na siya. Si Rona naman ang nakipagbonding kay Daddy. At may rebelasyon pa si Rona dito: gusto niya maging lawyer! Sabi ni Daddy Hans - lawyer parang liar. Sagot naman ni Rona ay lahat naman nagsisinungaling, ang pinagkaiba lang sa lawyer, may dedepensahan kang cliente. Hmm.. Basahin ang PBB Website para sa buong kuwento. |
| More, More, More! Posted: 08 Apr 2008 09:19 PM CDT Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Mukhang iyan ang tamang strategy!
|
| Let's do the Bunot Dance! Posted: 08 Apr 2008 03:54 AM CDT Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!
|
No comments:
Post a Comment