Wednesday, June 4, 2008


<br>

PDA vs. PBB

Posted: 03 Jun 2008 10:03 PM CDT

Pinag-usapan ng teens ang pagkakaiba ng dalawang programa. Type nila ang PDA dahil wala itong wake-up call at weekly task! Bukod pa dito, pinag-usapan rin ang finalists ng PDA season 1 na sina Panky at JR. At guess what Kuyanatics? Kapwa Cebuano pala ni Nikki ang 2 PDA cast. Kamusta naman yun? Matapos ito, bumirit ng husto ang True Blue Atenean. Robi mukhang gusto mo rin mag-audition sa PDA ha?

Breakfast by the girls!

Posted: 03 Jun 2008 09:57 PM CDT

For a change, si Beauty at Nikki naman ang naghanda ng breakfast ngayon. Todo alalay si Beauty sa girl bud dahil hindi pa ito ganoong marunong magtantsa. Ang niluto nila: french toast, at scrambled eggs. Not bad Nikki! Eh yung boys kaya happy sa niluto ng girls?

Bonding ni Ejay at Robi

Posted: 03 Jun 2008 02:42 AM CDT

Seryosong nag-uusap ang dalawang boys tungkol sa pagpapakatotoo. Para kay Ejay, "kung pinapakita mo naman kung sino ka, bakit ka matatakot?". Agree naman si Robi dito at pinag-isipan ang wise words.

Bukod pa dito, chikahan ang dalawa sa mga kinakatukutan nila. At trivia lang mga Kuyanatics, claustrophobic pala ang True Blue Atenista! Kamusta naman iyan Robi?

What to do outside...

Posted: 03 Jun 2008 02:35 AM CDT

Ang unang gagawin ni Nikki paglabas ay pupuntahan ang family, mga pinsan, at matapos ay sa Dumaguete. Balak pa nito na mag-aral ng kolehiyo dito sa Manila. Si Alex naman siguradong uunahin ang relatives pero 'di siya sigurado kung sa Manila siya mag-aaral. Hindi pa bihasa ang Italian Valentino sa Ingles at lalo naman sa Tagalog. Don't worry Alex, marami pang panahon para diyan!

Heart to heart talk ni Nikki at Alex

Posted: 03 Jun 2008 02:28 AM CDT

Kwentuhan si Nikki at Alex tungkol sa common friend na si Beauty. Ayon kay Nikki, nag-usap sila ng best girl bud kagabi at sinabi ni Beauty na mas gugustuhin niyang lumabas si Alex kaysa kay Nikki. No reaction dito ang Italian Valentino kaya naman todo paliwanag itong si Nikki. Para kay Beauty, mas pipiliin niya daw na maging kaibigan kaysa maging lover. Ayun naman, sana lang maintindihan ni Alex, kundi tampuhan galore nanaman kayo!

Beauty, may sakit nga ba?

Posted: 03 Jun 2008 02:23 AM CDT

Lumabas saglit ang Rebellious Girl at mukhang matamlay ito. Nang lumabas si Robi, sinabi niya dito na tingnan kung may sakit siya. Feeling ni Beauty na mainit siya at umiikot ang paningin niya. Hindi kaya naduduling ka lang Beauty sa paglagay ng beads?

Beads beads beads..

Posted: 03 Jun 2008 02:17 AM CDT

Tuloy pa rin ang teens sa paggawa ng beaded accessories! Mapa punta sila sa living room, coke bench, garden area, aba'y karir ang lahat sa paggawa ng 1,000 beaded necklaces. Nakatulog na si Beauty at Nikki pero si Ejay mukhang sipag na sipag sa paggawa. Go teens, ilang oras na lang ang nalalabi para matapos ninyo ito!

No comments: