<br> |
Posted: 01 Jun 2008 02:20 AM CDT Patuloy pa rin ang teens sa paggawa ng beaded accessories. Simula kaninang umaga, 13 na ang nagagawa ni Beauty. Si Nicole naman 15. Mukhang marami-rami pa ang kinakailangan nilang gawin. Ilan kayang necklace at bracelets ang kailangan nilang magawa para mapanalo ang task na ito? |
Posted: 01 Jun 2008 12:06 AM CDT Noong 14 si Alex, may nakilala siya at ang Kuya niyang si David na isang girl. Type nila parehas ito at sabay nila siyang dinate. May panahon pa noong tinext ni Alex ang chick, ang bro pa niya ang nakabasa nito dahil magkasama sila ng girl. Mukha namang gusto rin siya ng girl dahil inamin nito na mas gusto niyang kasama si Alex kaysa boyfriend niya. Grabehan naman ito? Hindi naman masyadong messy ang pinasukan mo Alex? 3 boys na hinahabol ang isang girl? Why not! |
Posted: 31 May 2008 11:58 PM CDT Nang pinuntahan ng 3 housemates si Alex at Nicole, update agad si Alex kung ano ang pinag-usapan nila. Sabi ng Italian Valentino na kinukuwento niya kay Nicole ang storya ng buhay niya. Noong 14 years old siya, may nakilala siyang babae. Dagdag pa niya, kapag gusto niya ang girl, nakikipag-joke siya dito, at nagkakatuwaan na sila. Hindi ba't ganito ang ginagawa mo kay Beauty? Ibig sabihin kaya like niya talaga ang Rebellious Chick? o baka naman love na yan ah? Alex aminin! |
Kwentuhang Pinoy Dream Academy Posted: 31 May 2008 11:44 PM CDT Habang nag-uusap sa labas ang nagkatampuhang Nicole at Alex, chikahan to the max naman sina Beauty, Ejay at Robi! Mukhang enjoy na ni Beauty ang pagluto kaya naman nagvolunteer itong gumawa ng pananghalian. Type ata ni Robi ang kantang, "Mukha kang Sofa" kaya naman pagkalabas niya, hahanapin niya kung sinong kumanta nito. Si Beauty naman ay nagtanong ng boys kung sino ang kumanta ng "Minsan". Sagot naman ni Ejay na si Ronnie Liang. Kamusta naman Ejay, updated ka pala sa PDA! |
Posted: 31 May 2008 11:31 PM CDT Matapos ang morning routine ng teens, sumabak na sila sa bead task. Tahimik ang lahat at mukhang kakaiba ang atmosphere ngayong araw na ito. Para saan kaya ang bead task ng teens? Ano nga kaya ang naging resulta sa nakaraang weekly task? At bakit kaya mukhang masama ang loob ng housemates sa isa't-isa? Tumutok lang sa PBB multiply para malaman! |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment