<br> |
Posted: 29 May 2008 11:58 PM CDT Kailangan ng teens magmaneho nang may nakalagay na isang basong tubig sa hood ng sasakyan nila. Dapat ay walang matapon na tubig dito. Mukhang madali ngunit may nilagay na 2 humps para pahirapan ang teens. Nauna si Beauty at sumunod si Alex. Nakatapon ng tubig ang dalawang teens at ganon rin naman si Nicole at Nan. Good luck housemates! Baka naman magkaubos-ubos na ang tubig sa baso niyan! |
Posted: 29 May 2008 10:52 PM CDT Sipag as usual ang True Blue Atenista sa pagluluto ng pananghalian ng teens. Karir siya sa paghihiwa ng manok na kakainin nila. Pinapanood naman siya ng ibang teens sa paggawa at pinaubaya na sa kaniya ang love ni Robi na gawin. 'Di ka naman masyadong all-around Robi? Trophy kid na at ngayon chef pa? |
Posted: 29 May 2008 10:20 PM CDT Mukhang puyat nanaman ang teens kaya naman mahirap silang gisingin ngayong araw na ito! Bagaman ilang ulit nang pinatugtog ang "Kabataang Pinoy" for wake-up call, 'di pa rin sila makabangon bangon. Pero in fairness, nang tumayo na sina Beauty at Nicole, bigay na bigay naman sila sa paghataw! Kamusta naman iyan girls! |
Posted: 29 May 2008 02:45 AM CDT Pumasok ulit si Gaby de la Merced sa bahay ni Kuya! Shock nanaman ang girls at ang boys, tulala sa kagandahan ng ex-PBB housemate. Binigyan ni Gaby ng lecture ang teens on driving. Boys, naiintindihan niyo pa kaya ang sinasabi ni Gaby? Very attentive ang teens at mabilis nilang nagets ang lecture. Good luck teens mukhang confident talaga kayo sa weekly task! |
Posted: 29 May 2008 02:25 AM CDT Matapos magtsismisan ang mga teens, inalerto sila ni Kuya na kailangan nilang magensayo para sa weekly task! Pabor naman ito sa kanila dahil mukhang kanina pa sila nababagot. Nagbibiruan sila habang nagmamaneho at comment ni Nan na hindi siya makaandar dahil overheat ang sasakyan! Ganon? At hindi lang pala sa Manila makakaranas ng traffic, kundi sa bahay rin ni Kuya! |
Posted: 29 May 2008 12:27 AM CDT Lambingan at kulitan ulit si Beauty at Alex kahit pa man nandoon ang True Blue Atenista. Robi, 'di kaya third wheel ka diyan? Pansin ni Beauty na cute si Alex kapag nakasara ang mata. Ang sabi ni Alex, "Then I'll be blind..." Naku umaariba nanaman ang pagka Valentino ng teen Italiano! |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment