Wednesday, May 28, 2008


<br>

Beaulex moment

Posted: 27 May 2008 11:12 PM CDT

Mukhang ibang level na ang pagkakaibigan ni Beauty at Alex! Sobrang close na ang dalawa simula nung dinner date nila. Ngayong umaga, halos hindi na mabitawan ni Alex si Beauty at todo yakap siya dito. Ano na nga ba ang status ng relasyon nila? At nabubulabog pa kaya ang Rebellous Girl sa fact na may gf ang kaniyang housemate sweetheart?

Drive and Park!

Posted: 27 May 2008 10:54 PM CDT

Mageensayo sana ang boys sa weekly task na practical driving pero mukhang sira ang kotse nila! Matapos ang ilang minutong pag-aayos nito, sumakay na si Robi at tinest drive ang sasakyan. Good to go na nga ang red wheels nila at karir na ang boys sa pagpractice ng pagmamaneho. Kamusta naman kayo girls? Na-encourage ba kayo ng boys sa sipag nilang magensayo?

It's your day, it's your special day

Posted: 27 May 2008 09:43 PM CDT

Ginising ang teens ng isang kantang nagpapaalala ng birthday ng fellow housemate! Don't tell me nakalimutan ng boys na kaarawa ngayon ng Rebellious chick? Imbis na siya ang batiin, binati pa nila si Priscilla! Naku naman boys! Ano kaya ang pinaplano ni Kuya ngayong araw na ito para sa birthday ni Beauty?

Beauty's advice to Valerie

Posted: 27 May 2008 03:41 AM CDT

Namomroblema si Valerie sa tampuhan nila Ejay kaya naman humingi ito ng advice kay Beauty. Para kay Valerie, hindi siya umaasa sa kanila ni Ejay pagkalabas nila sa bahay. Advice naman ni Beauty na hindi sila sure kung ano ang mangyayari paglabas nila, at sure naman na wala sila sa loob forever. Paano na nga kaya ang Vejay tandem? Si Valerie kaya ang lalabas bukas?

Learning parallel parking

Posted: 27 May 2008 01:37 AM CDT

Sa lahat ng klaseng parking, kailangan ng teens pagtuonan ng pansin ang parallel parking. Within 30 seconds, dapat ay gawin ito ng teens. Ang unang sumabak sa daily task ay si Ejay at Alex! Magawa kaya ng 2 boys ang task na ito?

Punishment ng traffic enforcers plus Alex!

Posted: 27 May 2008 01:03 AM CDT

Traffic enforcers ngayong araw si Beauty at Valerie. At itong si Alex, 'di mapigilan biruin ang dalawa at tumawid ng wala sa pedestrian lane! Binigyan tuloy siya ni Beauty ng "jaywalking" ticket dahil dito.

Mukhang hindi effective na traffic enforcers si Beauty at Val kaya naman pati sila binigyan ng punishment ni Kuya. Kailangan nilang i-butt spell ang "I will obey the traffic rules at all times". Nako medyo mahaba-haba yan ah! At maraming beses pa nila dapat gawin ito. Hindi kaya kayo mangawit niyan?

Dancing traffic enforcer

Posted: 26 May 2008 11:49 PM CDT

Kamusta naman ang pagsayaw ni Valerie? Silang dalawa ni Beauty ang inatasang traffic enforcer ngayong araw na ito para sa kanilang weekly task. Nang may ipatugtog na kanta, todo hataw ang Dazzling Doll sa beat ng music! Kung ganito ba lahat ng traffic enforcer sa Manila, sure na happy lahat ng motorista!

No comments: