<br> |
Posted: 24 May 2008 03:24 AM CDT Wagi ang team nila Alex with a total of 6 points! Ang team naman nila Ejay nakakuha ng 3 points kaya naman napabungisngis sila sa mababang score. Kamusta naman ang score niyo guys. Ano kaya ang ibibigay ni Kuya na reward sa Team Alex? |
Posted: 24 May 2008 03:14 AM CDT Bilang review sa mga facts ng Palawan, binigyan ni Kuya ng pool game ang mga teens! Team ni Alex: Rona, Robi at Nicole, versus Team ni Ejay: Beauty, Valerie at Nan. May ibibigay na tanong si Kuya at paunahan sa pag-akyat sa isang hagdanan para makuha ang mga sagot na nakabitin sa taas ng pool. Sino kaya sa dalawang teams ang physically at mentally fit para manalo sa larong ito? |
Posted: 24 May 2008 02:18 AM CDT Kwentuhan sina Robi, Alex at Ejay at pinag-uusapan ang mga schools nila. Chika ni Robi na galing siya sa isang all boys school. Pero minsan, co-ed. Gets niyo ba? Gusto sana ituro ni Robi ang mga "girls" sa mga classmates niya. Kumuha pa siya ng unan para takpan ang mga pictures at silang tatlo lang ang makakita. Ngunit hindi na lang niya tinuloy dahil baka magalit ang mga ito. Bukod pa dito, baka mabisto sila ng parents nila! Nako.. sino kaya yung mga yun? Kayo talaga boys ah, este "girls"! |
Posted: 24 May 2008 01:49 AM CDT Pinapasok ang lahat ng teens sa mga kuwarto nila. Kung chikahan ang girls sa kabila, si Alex at Robi naman nagrerecap sa mga tasks ngayong linggo. Todo practice si Alex sa Tagalog niya habang binabasa ang mga instructions ni Kuya. Pinag-usapan rin nila ang nakaraang linggo at naalala pa nila si Ka Primo. Kung talo sila sa weekly task, paano pa kaya makakabawi ang teens sa pagtulong sa organisasyon ni Ka Primo? |
Posted: 23 May 2008 11:31 PM CDT Malapit nanaman magnomination night at takot si Beauty na ma-force eviction! Ayaw na niya madagdagan pa ang 2 violation na nakuha niya mula nang magsimula ang season. Hindi makapaniwala si Nicole na ganoon na pala kadami ang violation ng friend. Sino nga kaya ang manonominate bukas? Sino ang 4 na matitira sa teen housemates? |
You are subscribed to email updates from Pinoy Big Brother To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of Pinoy Big Brother in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: Pinoy Big Brother, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment