Tuesday, May 6, 2008


<br>

Valerie is Rona's new confidante

Posted: 06 May 2008 01:07 AM CDT

Habang enjoy ang girls sa pagpaplantsa ng mga buhok nila, pinasok ni Valerie ang nag-iisang Rona sa girls' room. Neutral daw si Valerie sa awayang ito at binigyan ng advice si Rona na mag-ingat siya sa pakikipag-usap sa girls.

Kuwento ni Rona na sinabi niya kay Kuya na wala siyang napagsasabihan ng sama ng loob dahil 3 sa female friends niya ay galit sa kaniya. Payo naman ni Kuya na oras na para malaman ng natitirang pitong housemates ang nangyayari sa loob ng bahay. Paano kaya ito sasabihin ni Rona? Magagawa niya kayang aminin sa ibang housemates ang nagaganap na alitan sa kaniya at ng 3 girls?

Secret ng girls

Posted: 06 May 2008 12:46 AM CDT

Ang inatasang magluto ng pananghalian ngayon ay si Nicole, Priscilla at Beauty. Nagluto ang tatlo ng kare-kare at mukhang enjoy na enjoy sila sa task na ito. Maya-maya lang pagkatapos nilang magluto, kumuha sila ng pagkain at nagkulong sila sa kuwarto. Hagikhikan sila sa loob at umupo sila sa sulok na kinakain ang luto nila. Tuloy pa rin ang pagpapatibay ng friendship nila at kuwentuhan tungkol kay Rona at Shy. Tama ba naman yun?

Rona vs. the girls

Posted: 05 May 2008 10:38 PM CDT

Si Rona lang ang tanging friend ni Shy sa bahay at ang problema dun, hindi type ng girls ang new housemate. Tinanong tuloy ni Rona ang girls kung galit daw ba sila sa kaniya. Sinagot siya ni Beauty at sinabing alam na ni Rona yung sagot niya at "it takes time" (para magkaayos na ulit sila). Si Priscilla naman, hindi pinansin si Rona. Nag-sorry na lang si Rona at umalis na ng girls' room. Nang umalis na siya, sabi ni Beauty na magmumukha silang kontrabida at magmumukhang kawawa si Rona. Sa tingin ninyo sinong tama sa away na ito? Kanino kayo papanig?

Basahin ang buong kuwento sa Official PBB Website.

Teens get O.C.

Posted: 05 May 2008 10:00 PM CDT

Pursigido ang teens na linisin ang bahay ni Kuya! Siguro nanawa na rin sila sa mga sakit ng tiyan, diarrhea at kung ano-ano pa kaya naman todo kareer sila sa paglilinis. Si Ejay at Nan ang naghugas ng mga pinggan, si Robi ay naglinis ng bintana, at ang house chef na si Josef ay nagwalis naman. Nako Josef siguraduhin mo lang na maghugas ka ng kamay bago ka humawak ng pagkain! Mamaya kung ano nanamang sakit ang dumapo sa inyo!

Major housecleaning for the teens

Posted: 05 May 2008 09:05 PM CDT

Para na rin sa kaligtasan ng teens, kinakailangan nilang linisin ang buong bahay at pati na rin ang mga bintana. Pagkatapos itong i-announce ni Kuya, agad-agad dinelegate ni Beauty ang mga gagawing house chores ng teens. Sinabi niya kay Val na partner sila ni Priscilla sa paglinis ng banyo. Ok rin naman ang strategy na mag-atas ng gawaing bahay ngunit 'di kaya masamain ito ng teens at isiping pala-utos ang Rebellious Beauty?

No comments: