<br> |
Posted: 23 Apr 2008 02:11 AM CDT Voting for this week's nominees is now officially closed. Ano kaya ang dahilan nito? Ano ang bagong pasabog sa bahay ni Kuya? Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! |
Kevin at Beauty, friends na ulit! Posted: 23 Apr 2008 02:02 AM CDT Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa? |
Posted: 23 Apr 2008 01:20 AM CDT Masayang masaya si Daddy John na lumabas sa confession room! Sinabi niya kay Mommy Minda na nakausap na raw niya si Kuya at masaya na siya. Minasahe pa niya tuloy si Mommy Minda sa hindi maikubling tuwa. Comment naman ni Mommy Minda: "Kailan ka ba naging malungkot? Kapag wala ka nang kakainin, doon ka lang naman malungkot." In fairness, panalo talaga sa hirit si Mommy Minda! |
Posted: 22 Apr 2008 11:47 PM CDT Kaya pala hindi jolly at perky si Beauty ngayon ay dahil hindi siya maka-happy pupu. Tanong ni Robi kung ilang Dulcolax na daw ba ininom niya at baka raw kasi isang linggo na iniipon ng Rebellious Beauty ang mga pagkain. Asar talo tuloy si Beauty kay Robi at Nan na gumagawa ng mga theories kung bakit hindi siya maka-happy pupu. Kesyo acid na raw ang laman ng tiyan niya at kung ano-ano pa. Naaliw naman si Beauty sandali kaya pansamantalang nakalimutan ang problema. Gayahin dapat ng guardians ang teens, tamang biruan lang! |
Issue ni Tita Anna kay Daddy John Posted: 22 Apr 2008 11:00 PM CDT Matapos kausapin si Mommy Minda, si Daddy Ike naman ang kinausap ni Tita Anna. Iba pa niyang issue kay Daddy John ay tungkol sa kultura. Inusisa ito ni Daddy Ike at ang binigay ni Tita Anna na halimbawa ang sinasabi ni Daddy John na hindi niya maintindihan ang kultura dito: konting ulam, maraming kanin. Naku naman guardians, pati pagkain? Bukod pa dito ay madumi daw maglaro si Daddy John at napansin rin daw ito ni Mommy Carina. Ang kay Daddy Ike lang naman, sayang ang araw nila doon sa bahay kung parati silang nag-aaway. Oo nga naman guardians, listen to Daddy Ike! |
Posted: 22 Apr 2008 10:16 PM CDT Birthday na ni Jolas bukas! Kaya naman nag-extra effort si Priscilla para lutuan si Jolas ng paboritong ulam na adobo at lechong kawali. Habang ang mga boys tuloy ang usap sa labas at ang ibang girls wala pa sa mood, tuloy si Priscilla sa paghihiwa ng mga kasangkapan para sa putahe. Mukhang special attention ito ah! 'Di kaya magselos ang Lino at Dino ni Priscilla niyan? |
Posted: 22 Apr 2008 09:26 PM CDT Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don't treat me like **** because your mother treated you like that." Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na! |
Teens, dapat bigyan ng mahirap na task? Posted: 22 Apr 2008 09:12 PM CDT Pinag-uusapan ng guardians ang mga teens nila at ang tatamad raw ng mga ito. Makalat at madumi ang napag-iwanan nilang bahay. Nagkasundo tuloy si Mommy Sandy at Mommy My Love na kailangan pahirapan ni Kuya ang mga teens pagdating sa household chores. Agree rin ba kayo dito? |
Power Rangers are in the house! Posted: 22 Apr 2008 03:43 AM CDT Nagmistulang Power Rangers ang mga boys nang pagdamitin sila ng mga kakaibang costumes. Nagmukha silang anime at bumagay naman ito sa new hairstyle nila. Hindi tuloy napigilan ni Jolas ang pagkanta ng "Go Go Power Rangers!" Ano nanaman kaya ang bagong pakulo ni Kuya? Panoorin ang superhero boys mamaya sa Uber! |
Team Robi and the cooking challenge Posted: 22 Apr 2008 02:45 AM CDT Kung may Team Josef, mayroon ring Team Robi! Iba-iba na nga lang ang teammates nila pero nasa magkabilang team pa rin ang dating mag-BBF. Habang si Robi ang nangunguna sa pagluluto, si Beauty naman ang counterpart ni Nicole sa pagtetext. Sino kaya sa dalawang teams ang nagwagi? Mapapatunayan kaya ng Team Robi na mas masarap ang luto nila kaysa Team Josef? |
You are subscribed to email updates from <br> To stop receiving these emails, you may unsubscribe now. | Email Delivery powered by FeedBurner |
Inbox too full? Subscribe to the feed version of <br> in a feed reader. | |
If you prefer to unsubscribe via postal mail, write to: <br>, c/o FeedBurner, 20 W Kinzie, 9th Floor, Chicago IL USA 60610 |
No comments:
Post a Comment